Biyernes, Setyembre 3, 2010

PANATILIHIN MO ANG IYONG SARILI SA PAG-IBIG NG DIYOS

Maraming taon na ang nakalipas, inilagay ng Diyos sa puso ko na magsimula ng tahanan ng mga kabataang lalaki sa Long Island. Tunay kong nadama na ang Panginoon ang nasa likod ng gawaing ito. Gayunman, pagkatapos lamang ng 18 buwan, ang mga pamunuan ng bansa ay nagtakda ng mahigpit na patakaran para sa pagtataguyod ng tahanan na walang kaming pagpipilian kundi ang isara ito.

Kinupkop namin ang apat na batang kalalakihan sa maiksing panahon na kami’y bukas. Pagkatapos kaming magsara, nawalan na kami ng komunikasyon sa kanila. Palagi kong naiisip na ang pakikipagsapalarang iyon ay ang pinakamalaking kabiguan ng panahon. Sa mahigit na tatlong dekada, ng-iisip ako kung bakit hinayaan ng Diyos na ipagpatuloy iyon.

Kamakailan nakatanggap ako ng liham mula sa isang lalaki na nagngangalang Clifford. Sinabi niya ang sumunod na salayasay:

“Kapatid na David, isa ako sa apat na kabataang lalaki na ipinadala sa tahanan sa Long Island. Ang inyong mga magulang na nangangasiwa ay labis na mapagmahal at mabait. Itinuro nila ang Bibliya at dinala kami sa iglesya. Isang araw dinala nila kami sa isang iglesya na may ginaganap na tolda ng pagmumuling buhay. Lubha akong masama ang loob at nawawalan ng pag-asa. At doon, sa ilalim ng tolda,ang Espiritu Santo ay nagsimulang kumilos sa aking puso. Narinig ko ang mangangaral na nagsabi, ‘Iniibig ka ni Hesus.’ Sa lahat ng taon ng pasakit, kaguluhan at kawalan ng pag-asa ay lumutang sa ibabaw. Napaluhod ako at nanalangin. Iyon ay 35 taon na ang nakalilipas. Ngayon tinawag ako ng Diyos para mangaral, at inilagay niya ako sa ganap na ministeryo. Itong ‘pasasalamat na ito’ ay matagal nang umuukilkil sa akin sa lahat ng panahong ito. Nais ko lamang magpasalamat sa pagkalinga. Alam ko kung ano ang pag-ibig ng Diyos.

Ang liham na ito ay nagpatunay sa akin na walang bagay na ginagawa natin para kay Kristo ay walang halaga. Ang tahanang iyon ay hindi kabiguan—sapagkat naligaw ang isa, isang naguguluhang batang Hudyo ay natuklasan ang kahulugan ng pag-ibig ng Diyos.