Biyernes, Setyembre 24, 2010

ANG MASAGANANG LINGKOD!

Kamakailan ako ay lumapit sa Panginoon sa pananalangin na may mabigat na puso, puno ng mga dalahin. Nagsimula akong ipakiusap ang aking mga dalahin sa kanya:

“O, Panginoon, hindi pa ako naging ganito kapagal sa buong buhay ko. Hindi ko na halos makayanang magpatuloy!” Pagkatapos ay nagsimula akong umiyak. Lubos akong pagod na pagod na halos sumabog ang mga luha ko. Habang nakahiga akong umiiyak, naisip ko, “Tiyak na maaantig ng mga luha ko ang puso ng Diyos!”

Tunay ngang dumating ang Espiritu Santo at nagministeryo sa akin—ngunit hindi sa paraang iniisip ko! Naghahanap ako ng awa, pagpapalakas-loob, pang-unawa. At ibinigay niya ang lahat ng iyan—ngunit sa paraang naiiba sa inaasahan ko.

Malumanay na inutusan ako ng Panginoon na basahin ang 2 Corinto 9:6-11 at sinabi niya na ang lahat na kailangan ko ay nandito sa mga talatang ito:

“Tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aai ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan—upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.

“Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: Siya’y namudmod sa dukha; walang hanggan ang kanyang kabutihan. Ang Diyos ay nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos sa dahil sa inyong tulong na dadalhin sa kanila.”

Paulit-ulit kong binasa ang mga talatang ito—ngunit wala akong nakuha. Sa huli, isinara ko ang BIbliya ko at nanalangin, “Panginoon. Naguguluhan ako. Wala akong nakikita dito na makatutulong o makapagpapalakas ng loob sa akin.”

Sa huli, nangusap ng madiin ang Espiritu sa akin ngunit may pag-ibig sa aking kalooban: “David, ang lahat ng ito ay may kinalaman sa lahat ng pinagdadaanan mo. Sa mga nagdaang panahon ikaw ay naglilingkod sa akin ng walang masagana at nagsasayang espiritu! Nasaan ang iyong kagalakan at kaligayahan sa iyong paglilingkod sa akin? Ang aking Salita ay hindi tungkol sa pananalapi lamang para makatulong sa mahihirap. Ito ay nangungusap ng pamiministeryo sa akin at sa aking katawan!

“Tinawag kita sa lunsod ng Nuweba York at hindi kita isinugo na walang tulong o masaganang pagkukunan ng mga pangangailangan. Lahat ng kailangan mo ay nakahanda para sa iyo—lakas, kapahingahan, kapangyarihan, kaalaman, kagalakan at kasiyahan. Walang dahilan para sa iyo na magpagal ng may kalungkutan,na maging labis sa dalahin. Mayroon kang pagkukunan sa lahat ng lakas at kagalakan!”