Lunes, Enero 2, 2012

MAKINIG AT ULINIGIN

“At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa…Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero” (Pahayag 21, 9).

Ito ay isang napakagandang larawan ng huling-araw na iglesya ni Jesu-Cristo! Isang dakilang, banal na lunsod bumababa mula sa langit ay ang Kanyang walang dungis na babaing pakakasalan—ang nakapananaig na iglesya na nakaupo na kasama Niya ngayon sa kalangitan. Ang iglesyang ito ay itinatag mula sa pundasyon ng katotohanan ng Mabuting Balita ng labindalawang apostol. At ito ay napaliligiran ng pader at pintuan na hinaharangan ang anumang madumi at hindi inanyayahan.

At habang ang reyna ay nakatayo sa harap ng lalaking pakakasalan, ang kasalan na magsisimula na, ang isang tinig na nagmumula sa ikatlong kasama ay nadinig! Ang reyna na may kasuotan ng ginto ay pinarangalan, pinili, at may dakilang paghanga, at ngayon ay nakatayo siya sa kanan ng kanyang Minamahal, ang kasalan na sisimulan na. Ngunit bago masimula ang seremonya, isang tinig ang bumulong ng payo sa kanya: “O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin…” (Awit 45:10).

Naniniwala ako na ito ay tinig ng Espiritu Santo, nagbababala na tinawag sa Kanyang pangalan. Nangungusap siya sa mga nakapanaig—doon sa mga lubos na umiibig kay Jesus—sinasabi na, “Makinig at ulinigin.” Ang tinig na ito ay narinig ng babaing pakakasalan sa mga huling sandali bago simulan ang kasalan.

Ngayon, kailangang maunawaan mo, ang reyna ay napili na. Ang kanyang puso ay nakuha na ng lalaking kanyang pakakasalan. Iniwan na niya ng kanyang tahanan, ang kanyang kaanak at bansa at inialay na ang kanyang sarili sa Kanya. At siya ay puno ng kaligayahan sapagkat tunay niyang iniibig ang Hari.

Kaya, hayaan mong tanungin ko kayo: iniisip mo ba na ang sarili mo ay pinili ng Panginoon? Ikaw ba ang tinubos ng dugo, iniligtas na tangi niyang tinitingnan? Iniibig mo ba Siya ng buong puso? Iwinaksi mo na ba ang sanlibutan, ang lahat ng iyong nakaraan, para sa Kanya? “Siya ay akin, at ibinibigay ko ang sarili ko sa Kanya. Panginoon, iniibig kita ng buong puso ko!” Maari mo bang sabihin iyon?

Ang tinutukoy ko ay ito: Kung nais mo na maging nobya ni Cristo, kailangang maging handa ka hindi lamang dahil nais mong makatakas sa impiyerno. Sa halip, kailangang naisin mo na hindi mawala sa dakilang araw ng kasalan! Kailangang matakot ka na sa isipin pa lamang na hindi ka niya pakakasalan—ang mawala sa yakap Niya, ang hindi Siya makasama sa walang-hanggan.