Lunes, Enero 9, 2012

ISANG PAGPAPAGANDA NG ESPIRITU SANTO

Matapang na ipinahayag ni David, “Bakit ako malulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako’y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!” (Awit 42:11). At inulit niya ang katulad na pangungusap sa Awit 43:5. Sa orihinal na Hebreo, ang tamang pahinohod ng mga talatang ito ay, “Sa Diyos ako aasa at sa kanya mananalig.”

Naniniwala ako na may mahalagang sinasabi si David dito. Nakita mo ang iyong mukha ay isang karatula na nagbabalita kung ano ang nangyayari sa iyong puso. Ang lahat ng kaaliwan o kaguluhan sa iyong kalooban ay nananalamin sa iyong mukha. Kapag sinasabi ko ang tungkol sa iyong itsura, ang tinutukoy ko ay ang ipinapahayag ng iyong mukha, ang iyong ikinikilos, at tono ng iyong boses.

Halimbawa, kapag ang isipan ko ay puno ng isipin tungkol sa ating iglesya—mga pangangaral, pananalapi, pakikipag-ugnayan—ay may pagkakataong ako ay nanlulumo. Mukhang pasan ko ang lahat. Nakakunot ang aking kilay. Ang ibang tao ay nagsasabi na ako ay malungkot.

Isang araw ako ay naglalakad sa kahabaan ng kalye 52nd malapit sa Tahanan ng Hannah, lubhang subsob sa mga bagay tungkol sa iglesya at marahil ay mukhang nanlulumo. Nadaanan ko ang isang sirang bahay na kung saan ay may isang babae nakaupo, nakangiti. Kita ko na siya ay lango sa droga. Pinapanood niya ako habang palapit at nagsalita siya. “Ginoo, hindi naman siguro napakabigat ng dinadala mo.”

Ako ay nagulat! Sa isipan ko, “Narito ang isang babae, na lango sa droga at narito ako, isang tao ng Diyos. Siya ay nakangiti at maaliwalas ang anyo at ako naman ay nanlulumo, na para bang naglaho na ang pag-asa.” Ito ay isang pasaway na pangungusap sa akin!

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang dakilang kaligtasan—sa pagliligtas sa ating mga kaluluwa, sa ating espiritu, maging sa ating mga katawan. Ngunit marami sa atin ay nangangailangan na baguhin ang ating mga anyo! Kailangan natin ng pagpapaganda ng Espiritu Santo—sapagkat ang ating mga mukha ay nagbibigay ng maling mensahe sa sanlibutan!

Isang nakakabatang babae ay nagpunta sa Tahanan sa Hannah na may mahabang linya ng mga kasalanan na nakaukit sa kanyang mukha. Ang kanyang anyo ay lubhang naghihirap ng husto. Gayuman, dalawang linggo ang makalipas mula nang siya ay naligtas, walang makapaniwala sa kanyang pagbabago. Ni hindi ko man lamang siya nakilala.

Bakit bigla na lamang nagbago ang kanyang anyo? “Sino ang ipapantay sa taong matalino na nakakasaliksik sa lahat ng bagay? Ang karunungan ay nagpapasaya sa mukha ng tao; pati ang matigas na anyo ng mukha ay nawawala” (Mangangaral 8:1).

Tinitingnan ko na ang “karunungan” sa talatang ito ay nangangahulugan na si Jesu-Cristo. Sa katunayan, ang pinakapresensya ni Cristo sa iyong puso ay may malinaw na umpog sa iyong anyo! Idinadamay nito ang iyong paglalakad, ang iyong pagsasalita, ang mismong tono ng iyong boses.