Martes, Enero 10, 2012

ISANG RELIHIYON NG ANYO NG MUKHA

Kapag hinayaan natin si Jesus na maging panginoon ng lahat—kapag ibinigay natin sa kanya ang lahat ng ating alalahanin, ganap na nananalig sa Kanyang Salita at namamahinga sa Kanyang pag-ibig—ang ating anyo ay nangangailangan ng malalim na pagbabago. Isang tahimik na kahinahunan ay kailangang magsimulang magliwanag mula sa ating anyo.

Ang Kasulatan ay nagbigay ng maraming halimbawa sa atin: Nang inilatag ni Hannah ang kanyang alalahanin, “… ang kanyang anyo ay hindi na malungkot” (1 Samuel 1:18). “Nang si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel” (Gawa 6:15). Si Esteban ay nakatayo kasama ang mga hindi mananamapalataya na may liwanag ni Jesu-Cristo at pagkakaiba ay maliwanag na sa lahat!

Naniniwala ako na tungkulin natin hayaang mangusap ang ating anyo ng mga katapatan ng Diyos sa ting mga buhay. Ngunit ang suliranin ay, ang anyo ng ating mga mukha at ikinikilos ng ating katawan ay siyang kabaligtaran! Ang anyo ng maraming mananampalataya ay nagsasabi, “Binigo ako ng Diyos ko! Pinabayaan na niya ako. Kailangang dalhin kong mag-isa ang aking mga alalahanin at mga suliranin sapagkat pinabayaan na ako ng Diyos!”

Maaring hindi mo sinasabi ang mga bagay na ito sa iyong sarili ngunit ito ay nakikita sa anyo ng iyong mukha. Nais kong ipakita sa iyo mula sa Salita ng Diyos na ang anumang pinagdaraanan mo ay hindi na bago. Mayroon na ring iba na katulad din ng nasa kalagayan mo:

“Hinanap ko’y Panginoon sa panahong may bagabag, hindi ako napagod, dumalangin na magdamag, ngunit diko nasumpungan ang aliw kong hinahangad. Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing, ako’y nagdidili-dili ngunit ako’y bigo pa rin. Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa, hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa. Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw. Nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan; ako’y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi, ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili: ‘Ako baga Panginoo’y lubusan mong itatakwil? Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin? Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na? Hindi na ba maaaring sa pangako mo’y umasa? Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo’y wala na ba?’ Ganito ang aking sabi: ‘Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na’t walang lakas ang aking Diyos” (Awit 77”2-10).

Gayunman ang mang-aawit ay nagkataong nalampasan ang kanyang mga pighati na may maligayang anyo na naibalik. Bakit? Sapagkat, sinabi niya, “Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing ng malakas…Hinanap ko’y Panginoon sa panahong may bagabag” (Awit 77:1-2).

Kung ito ay naglalarawan sa iyo, nakikiusap ako: Ngayon, sa mismong araw na ito, mag-isang lumapit sa Panginoon at dumaing sa Kanya! Sabihin mo sa Kanya na ikaw ay nasa dulo na walang pag-asa, na hindi mo na kaya, na handa ka nang ipatong ang lahat sa kanyang mga balikat. Ilabas mo ang lahat sa Diyos!