Miyerkules, Enero 11, 2012

ANG HINDI MAIPALIWANAG NA KARAMDAMAN

“Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagaligtas, muli ko siyang aawitan. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap…di ko siya malilimot, gugunitain oras-oras” (Awit 42:5-6).

Ang mga iskolar ay sigurado kung sino ang sumulat ng Awit. Ngunit siguradong alam natin na mayroong bumabagabag sa kanya. Ang kanyang kaluluwa ay lubhang naguguluhan at hindi maipaliwanag kung bakit!

Ang mang-aawit na ito ay nag-aapoy sa Diyos. Humahangos siya papunta sa Panginoon na tulad ng usa na humahangos sa uhaw sa tubig (tingnan ang talatang 1)—nauuhaw sa Kanya, sabik sa pakikipag-isa sa Kanya. Tanong niya, “nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buhay, walang iba; kailan kaya maaaring sa presensya mo’y sumamba?” (t2).

Hindi natin malalaman kung ano ang karamdaman ng mang-aawit. Naranasan mo na ba ang ganitong hindi inaasahang kalamlaman—hindi inaasahan, hindi maipaliwanag na kalungkutang espirituwal? Maayos ka lamang, sa hindi alam na kasalanan sa iyong buhay. Ngunit isang araw ikaw ay bumangon na may kaguluhang lubos na tumutusok sa iyong kaluluwa. Isang uri ng matinding kalungkutan ay dumapo sa iyo at hindi mo ito maipaliwanag.

Mayroon akong magandang balita para sa iyo. Ito ay karamdaman ng isang matuwid! Ito ay dumadating lamang doon sa mga gutom kay Jesus. Hindi tayo dapat mangamba sa ganitong uri ng karamdaman sapagkat ang Espiritu Santo ay may kinalaman dito.

Mayroon na akon mahabang karanasan sa buhay para malaman na may dumarating na sandali na ang ganitong bagay ay nangyayari sa Kristiyano. Ngunit hindi na natin dapat pa itong alamin—sapagkat hindi natin ito maipapaliwanag. Hindi rin nalaman ng mang-aawit ang kasagutan sa kanyang mga “bakit”. At walang aklat, tagapayo o psikolohiyo sa sanlibutan ang makapagsasabi sa iyo bakit mayroong hindi maipaliwanag na karamdaman ang sumapit sa iyo.

Naniniwala ako na ang kakaibang karamdamang ito ay “ang pagbuntong-hininga ng Espiritu Santo” sa kaibuturan natin. Ipinakikita niya sa atin kung ano ang nararamdaman ng isang wala ang Diyos sa kanya—ang nagsasarili, walang kaaliwan, pag-asa o gabay. Hinahayaan niya na maranasan natin ang patikim ng isang nakagigimbal na kalagayan!

Ang ating katawan ay Kanyang templo at Siya ay isinugo para ipaghanda tayo ng wagas na nobya ni Cristo. Alam niya ang kakailanganin para mapanatili tayong walang dungis para sa Nobyo. At alam Niya kung gaano kahalaga sa atin ang dumaing sa Diyos para sa pang-araw-araw na kalakasan at kapangyarihan. Hindi natin basta makakayanan ang mga panahon ngayon maliban kung tayo ay malapit sa Panginoon—ganap na nagtitiwala sa Kanya, at madalas na lumalapit sa kanyang presensya.