Biyernes, Enero 13, 2012

SA DULO NG KAWALAN NG PAG-ASA

“Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok. Nang siya’y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkataas. Ang sasakyan nila halos ay ipukol mula sa ibaba, kapag naitaas ang sasakyang ito’y babagsak na bigla; dahil sa panganib, ang pag-asa nila ay halos mawala. Ang kanilang anyo’y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla’t mga katangia’y di pakinabangan” (Awit 107:23-27).

Sa Awit na ito, ang lugar na tinutukoy dito bilang “dulo ng kawalan ng pag-asa” ay ang lapag ng sasakyang dagat sa nagngangalit na dagat. Itataas ng higanteng alon ang sasakyang dagat at saka ibabagsak ito mula sa pinakamataas na dulo ng alon. Ipinaghampasan ito ng malakas na hangin ng pabalik-balik nang sa gayon kahit isang maglalayag ay hindi niya makita ang kanilang mga “tinutungtungan.” Pagiray-giray silang pabalik-balik na parang mga lasing.

Ang layag ng barko ay punit-punit at para nang basahan, at mga malalakas na alon ay pahampas-hampas sa lapag ng sasakyan. Pilit na nagkukumahog ang mga maglalayag para lamang makaligtas. Para bang katapusan na nang lahat para sa kanila, ay sila ay lubusan nang nawalan ng pag-asa. Wala silang magawa—hinang-hina sa lakas ng pangyayari, hindi mapigilan ang bagyo, walang kapangyarihan na iligtas ang sarili nila.

Ang mga maglalayag na ito ay nakarating sa tinatawag na “dulo ng kawalan ng pag-asa.” Ang ganitong kalagayan ay nadarama ng lahat ng Kristiyano sa kanilang buhay. Ito ay nangangahulugan lamang ng, “Umabot na sa sukdulan ng lahat ng maaring kaparaanan para makaligtas.” Sa madaling sabi, wala nang magagawa pa—walang tulong, walang kaligtasan—maliban sa Diyos lamang mismo!

“Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila’y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya’t kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat” (Awit 107:28-30).

Kailan tumigil ang bagyo para sa mga maglalayag sa Awit 107? Kailan sila dinala ng Diyos sa kanilang hangad na ligtas na kalagayan?

Una, ang mga maglalayag ay umabot na sa dulo ng kawalan ng pag-asa, isinuko na ang lahat na maaring pag-asa o tulong. Sinabi nila, “Wala tayong pag-asa na mailigtas pa natin ang ating mga sarili. Wala nang sinumang maaring makatulong pa sa atin!”

Pangalawa, dumaing sila sa Panginoon sa gitna ng kanilang pagdadalamhati—lumapit sa Kanya lamang para tulong na kailangan!