Nang tanungin ko ang Banal na Espiritu na ipakita sa akin kung paano bantayan ang kapabayaan, iginabay niya ako na isa-alang-alang ang paglayo ni Pedro at ang pagsapit ng kanyang pagbabago. Ang taong ito ay itinanggi si Kristo, nanglait, sinasabi sa nagbintang sa kanya, “Hindi ko siya kilala.”
Ano ang nangyari? Ano ang nagdala kay Pedro sa ganoong katayuan? Ito ay kapaluan, ang bunga ng mapagmalaking kahambugan. Ang disipulong ito ay nagsabi sa sarili at sa iba, “Hindi ako maaring manglamig sa aking pag-ibig kay Hesus. Narating ko ang katayuan sa aking pananalig na hindi na kailangang bigyan ng babala. Ang iba ay maring maanod, ngunit ako’y mamamatay para sa aking Panginoon
Gayunman si Pedro ang una sa mga disipulo na sumuko sa pagdurusa. Tinalikdan niya ang kanyang bokasyon at bumalik sa dati niyang gawain, sinasabi sa iba, “Ako’y mangingisda.” Ang tunay na sinasabi niya ay, “.”Hindi ko kayang harapin ito. Akala ko ay hindi ako magkakamali, ngunit walang sinuman ang bumigo sa Diyos ng higit pa sa akin. Hindi ko na kaya ang pasaning ito.”
Sa katayuang iyon, pinagsisihan ni Pedro ang pagtanggi niya kay Hesus. At siya ay muling ibinalik sa pag-ibig ni Hesus. Gayunman siya ay isa pa ring basahan sa kanyang loob.
Ngayon, habang hinihintay ni Hesus ang mga disipulo na bumalik sa pampang, isang usapin ang hindi pa naaayos sa buhay ni Pedro. Hindi sapat na si Pedro ay nanumbalik at pinagbago, tiyak sa kanyang kaligtasan. Hindi sapat na siya ay mag-ayuno at manalangin na katulad ng ginagawa ng sinumang tapat na mananampalataya. Hindi, ang usapin na nais bigyang pansin ni Kristo sa buhay ni Pedro ay ang kapabayaan sa ibang anyo. Hayaang ipaliwanag ko.
Habang sila ay nakaupo sa paligid ng siga sa pampang, kumakain, nagkakausap-usap, tinanong ni Hesus si Pedro ng tatlong beses, “Iniibig mo ba ako ng higit pa sa pag-ibig nila sa akin? Sa bawat pagkakataon sumagot si Pedro, “Oo, Panginoon, alam mo na iniibig kita,” at sumagot si Kristo ng, “Pakainin ang aking tupa.” Itala na hindi ipina-alala ni Hesus na magbantay at manalangin, o maging masigasig na magbasa ng Salita ng Diyos. Ipinalagay ni Hesus ang mga bagay na iyon ay naipangaral nang mabuti. Hindi, ang utos na ibinigay niya kay Pedro ngayon ay, “Pakainin ang aking tupa.”
Naniniwala ako na sa payak na pariralang iyon, nag-utos si Hesus kay Pedro kung paano magbantay laban sa kapabayaan. Sinabi niya, na may kakanyahan, “Nais kong kalimutan mo na ang iyong kabiguan, kalimutan na ikaw ay napalayo sa akin. Bumalik ka na ngayon sa akin, at pinatawad at pinagbago na kita. Kaya’t panahon na para alisin mo ang pag-iisip mo sa iyong pagdududa, kabiguan, at mga suliranin. At ang paraan upang magawa iyon ay ang hindi pagpapabaya sa aking mga tao at mangaral sa kanilang mga pangangailangan. Katulad ng pagsugo ng Ama sa akin, ikaw ay isinugo ko.”