Maaring ikaw ay nasa gitna ng himala sa mga sandaling ito at maaring hindi mo nakikita ito. Maaring ngayon ikaw ay naghihintay ng himala. Ikaw ay nasisiraan ng loob sapagkat ang mga bagay ay mukhang nakatigil. Hindi ka nakakakita ng mga katunayan ng mga kahima-himalang pagkilos niya para sa iyo.
Isa-alang-alang mo mo kung ano ang sinabi ni David sa Awit 18: “Kaya’t si Yahweh ay tinawag ko; sa aking kahirapan, humingi ng saklolo. Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig, umabot sa kanya ang aking paghibik. Ang sangkalupaa’y nauga, nayanig; mga patibayan ng bundok ay nanginig…at sa kanyang bibig bumuga ay apoy… Hinawi ang langit at bumaba siya…Saka dumagundong ang kulog at langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Ang mga palaso kanyang itinudla. Ang mga kaaway nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo, pawang nagsitakas” (Awit18:6-9, 13-14).
Dapat mong pangilakan, wala isa man sa mga bagay na ito ay tunay na nangyari. Ito ay lahat ng mga bagay na nakita ni David sa kanyang espirituwal na mata. Mga minamahal, iyan ang pananalig. Ito ay kung kailan ka naniwala na narinig ng Diyos ang iyong pag-hibik, na hindi niya ito pinatagal, na hindi niya binalewala ang iyong kahilingan. Sa halip, tahimik niyang sinimulan ang iyong himala ka-agad-agad ng ikaw ay nanalangin, maging ngayon siya ay gumagawa ng kahima-himalang pagkilos para sa iyo. Iyan ang tunay na pananalig sa mga himala, ang kanyang kataka-takang tuluy-tuloy na pagkilos sa ating mga buhay.
Naunawan ni David ang batayang katotohanan sa ilalim ng lahat ng ito: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan” (Awit 18:19). Ipinahayag ni David, “Alam ko kung bakit ginagawa ng Panginoon ang lahat ng ito para sa akin. Sapagkat kinalugdan niya ako.”
Tunay na ako ay naniniwala sa biglaang mga himala. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa kaluwalhatian, mga biglaang kababalaghan sa sanlibutan ngayon. Gayunman sa mga talatang ito ng Mabuting Balita (Mateo 16:9-11, Marcos 8:19-21) sa pagpapa-alala ni Hesus sa mga disipulo ng mahimalang pagpapakain sa limang-libo at sa apat na libo, hiniling niya sa kanila at para sa atin na itala ang tuluy-tuloy na mga himalang ito at ang kaugnayan ng mga ito sa ating mga buhay ngayon.