Lunes, Abril 21, 2008

TULUY-TULOY NA MGA HIMALA

Ang Lumang Tipan ay punung-puno ng mga makapangyarihang mahimalamg-pagkilos ng Diyos, mula sa pagbukas ng Pulang Dagat, sa pakikipag-usap ng Diyos kay Moses mula sa umaapoy na palumpong, kay Elijah na tumatawag ng apoy mula sa langit. Lahat ito ay pabigla-biglang mga himala. Ang mga taong kaugnay ang nakakita sa mga pangyayaring ito, nadama nila ito at nangilig sa mga ito. At iyon ang mga uri ng himalang nais nating makita ngayon, na makakapagbigay ng pagkasindak at pagkamangha. Nais nating biyakin ng Diyos ang langit, magtungo sa ating kalagayan at ayusin ang mga bagay sa pagsabog ng kapangyarihan ng langit.

Ngunit ang nakamamanghang-makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa buhay ng kanyang mga tao ay dumadating sa tinatawag nating “tuluy-tuloy na himala.” Ito ang mga himalang halos di mapupuna ng mga mata. Hindi ito sinasamahan ng mga kulog, kidlat o kaya’y mga nakikitang pagkilos o pagbabago. Sa halip, ang tuluy-tuloy na mga himala ay nagsimulang tahimik, walang parangya, at unti-unting nakikita ngunit tiyak, isang hakbang sa bawat sandali.

Ang parehong uri ng mga himalang-biglaan at tuluy-tuloy ay nasaksihan sa pagpapakain ni Kristo ng mga taong-bayan. Ang paggagamot na kanyang ginawa ay madalian, nakikita, madaling mapuna ng mga tao na nandoon noong mga araw na yaon. Naisip ko ang isang lumpong lalaki na may bukul-bukol na katawan, na kaginsa-ginsa’y nagkaroon ng pagbabago sa katawan kaya’t siya ay nakakatakbo at nakakatalon. Narito ang isang himala na nakamangha at nakapukaw sa lahat ng nakakita.

Gayunman ang pagpapakain na ginawa ni Kristo ay tuluy-tuloy na mga himala. Si Hesus ay nag-alok ng payak na dalangin ng pagpapala, walang pag-aapoy, kulog o lindol. Kanya lamang biniyak ang tinapay at ang tuyong isda, hindi nagbigay ng palatandaan o pagtunog na mayroong nangyayaring himala. Gayunman, upang mapakain ang napakaraming taong iyon, dapat sana’y mayroong libu-libong pagbibiyak ng tinapay at noong mga isda, sa buong maghapon. At ang bawat bahagi ng isang tinapay at isda ay bahagi ng himala.

Ganito kung paano ginampanan ni Hesus ang maraming himala sa buhay ng kanyang mga tao sa mga panahon ngayon. Nananalangin tayo para sa biglaan, nakikitang kababalaghan, ngunit ang ating Panginoon ay tahimik na kumikilos, nagbubuo ng himala para sa atin baha-bahagi, pira-piraso. Maaring hindi natin ito madinig o mahipo, ngunit siya ay kumikilos, hinuhubog ang ating kaligtasan higit pa sa nakikita natin.