Huwebes, Abril 17, 2008

KAHALINTULAD NA KARANGALAN

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya” (Juan 14:21). “Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin… Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusang maging isa” (juan 17:21-23 aking italika).

Tingnan muli ang berso sa italika. Sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Ang karangalang ibinigay mo sa akin, Ama, ay ibinigay ko sa kanila.” Si Kristo ay bumigkas ng di-kapani-paniwalang pahayag dito. Sinasabi niya na tayo ay binigyan ng kahalintulad na karangalan na ibinigay ng Ama sa kanya. Isang nakakagulat na isipin. Gayunmam, ano itong karangalan na ibinigay kay Kristo at paanong ang buhay natin ay naipahayag ang karangalang iyon? Hindi ito isang luningning o damdamin; ito ay walang hadlang na daanan patungo Amang nasa langit!

Ginawang madali ni Hesus para sa atin ang makapasok sa Ama, binuksan ang pintuan sa atin sa pamamagitan ng Krus: “Dahil kay Kristo tayo ay [tayo at yaong mga nasa malayo] kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu” (Efeso 2:18). Ang salitang “pagpasok” ay may kahulugan na karapatang makapasok. Ito ay may kahulugang malayang pagpasok, pati na ang maging madaling lumapit: “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob” (3:12).

Nakita mo ba ang sinasabi ni Pablo dito? Sa pamamagitan ng pananalig, narating natin ang kalagayan na walang hadlang na makapasok sa Diyos. Hindi tayo katulad ni Ester sa Lumang Tipan. Kailangan niyang maghintay ng hudyat mula sa hari bago siya makalapit sa trono. Noong lamang ng itinaas niya ang setro bago pinayagan si Ester na makalapit sa harap.

Sa pagkakaiba, ikaw at ako ay nasa silid na ng trono. At tayo ay may karapatang makipag-usap sa hari anumang sandali. Sa katunayan, tayo ay inanyayahan na magsabi ng kahilingan sa kanya: “kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito” (Hebreo 4:16).

Nang mangaral si Kristo sa sanlibutan, hindi niya kailangang magtanang palayo sa pananalangin para makamit ang isipan ng Ama. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak” (tingnan ang Juan 5:19). Ngayon binigyan din tayo ng katulad na karapatang makalapit sa Ama na mayroon si Kristo. Maari mong sabihin, “Sandali lamang. Mayroon din akong karapatang makalapit sa Ama na mayroon si Hesus?”

Huwag magkamali. Katulad ni Hesus, dapat tayong madalas na manalangin at taimtim, hinahanap ang Diyos, naghihintay sa Panginoon. Hindi natin kailangang magtanan palayo upang magsumamo sa Diyos ng lakas o patutunguhan, sapagkat mayroon tayong sariling Espiritu na naninirahan sa atin. At ang Banal na Espiritu ay ipinahayag sa atin ang isipan at kalooban ng Ama.