Miyerkules, Abril 16, 2008

APAT NA INAASAHAN

Ang Diyos ay gumagawa ng pangako at tumutupad sa pangako at siya ay nagsabi sa aking puso tungkol sa apat na bagay na dapat na ipagtiwala sa kanya ng kanyang mga tagasunod.

1. Asahan na ikaw ay gagantimpalaan sa iyong masigasig na paghahanap sa Panginoon. “At siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).

Maari mong hilingin sa pananalig para sa isang palatandaan para sa Diyos na mahikayat at muling papag-alabin ang iyong pagtitiwala. Ang Diyos ay laging na sa tamang oras, at alam niya na ikaw ay nangangailangan ng sinag ng pag-asa at Magandang Balita sa oras ng iyong pagsubok. Asahan mong tutuparin niya ang kanyang pangako na gantimpalaan ka ngayon na ikaw ay may mahigpit na pangangailangan. Hindi maaring magsinungaling ang Diyos. Sinabi niya na ginagantimplaan niya ang lahat ng masigasig na naghahanap sa kanya. Hanapin mo siya araw-araw at manalig na ngayong taong ito ay iyong magiging taon ng mga dakilang espirituwal na pagpapala.

2. Umasa na makakita ng mga katunayan ng mga tuloy-tuloy na mga himala sa iyong buhay. “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” (Marcos 10:27).

Naniniwala ako sa biglaan at tuloy-tuloy na mga himala. Ang mga tuloy-tuloy na mga himala ay nagsisimula na hindi nakikita, sa tahimik na paraan at unti-unting inihahayag, munting habag isa-isa. Asahan na makita ang Diyos na kumikilos sa mga mahiwagang pamamaraan, na hindi nakikita ng mga mata ng tao.

3. Asahan mong ikaw ay papasok sa pangako nga Diyos na kalagayan ng kapahingahan. “Samakatwid, may kapahinghan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos… makapasok sa kapahingahan” (Hebreo 4:9,11).

Sa mga nagdaang ilang mga taon nakita natin ang pagbuhos ng mga di-kapani-paniwalang mga kalamidad, mga suliranin at mga pagsubok. Sa gitna ng mga ito ninais ng Panginoon na manalig ka sa kanya na dadalhin ka niya sa ipinangakong kapahingahan. Hindi hinangad ng Diyos na ikaw ay mabuhay sa takot at kawalan ng pag-asa. Kailangan natin ng pabayang pananalig at pagtitiwala sa Diyos sa mukha ng takot, kaguluhan at maging sa kamatayan.

4. Asahan na ang Banal na Espiritu ay palaging nasa kanyang templo. “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo nhg Espiritu Santo? (1Corinto 6:19).

Ang Banal na Espiritu ay tumitira sa puso ng mananampalataya. Siya ay nasa lahat ng lugar sa buong sanlibutan. Humaharap sa bawat araw na tinatanggap na nandito siya sa kanyang templo para aliwin ako, gabayan ako, hikayatin ako, basbasan ako, at ihayag ang kaluwalhatian ni Hesu-Kristo sa patuloy na paglago ng kanyang pagpapahayag. Ninanais nya na asahan mo ang kanyang presensiya ay makita sa iyo, at higit pa lalo sa bawat paglipas ng araw. Nais niya na dalhin ka sa hindi mayayanig na pananalig, katulad ng ginawa niya sa kanyang mga disipulo.

Manalig ka sa mga pangakong ito! Ilagay mo ang mga inasahang ito at makikita mo na ang Diyos ay gagawa ng mga kataka-takang bagay.