Martes, Abril 29, 2008

ANG AKING LUBOS NA KINIKILINGAN

Sa lahat ng 150 na Awit, ang Awit 34 ang aking lubos na kinikilingan. Ang lahat ng ito ay tungkol sa katapatan ng Panginoon na mailigtas niya ang kanyang mga anak mula sa mga malalaking pagsubok at kagipitan. Ipinahayag ni David, “Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot…Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila’y kinukupkop…Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib…Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan” (Awit 34:4,7,17,19).

Itala ang kahilingan ni David sa Awit na ito: “Aking dalangi’y dininig ng Diyos…Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa” (34:4,6). Kailan ginawa ni David ang pagdaing na ito? Ito’y maaring nangyari noong siya ay nagkukunwang galit sa Gat at gayunpaman hindi siya maaring makapanalangin ng naririnig sa harapan ng mga Filisteo. Ito ay nagdadala sa atin sa dakilang katotohan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Minsan ang pinakamalakas na daing ay nagagawa ng hindi naririnig.

Alam ko kung anong uri ang “pangkaloobang daing na inilabas.” Marami sa pinakamalakas na dalangin ng aking buhay—ang pinakamahalaga sa akin, pusong-namimilipit, malalim na pagdaing—na nagawa ng buong katahimikan.

May panahon na ako ay namanhid ng mga pagkakataon na hindi ako makapagsalita, dinadaig ng katayuang halos hindi ko maabot at hindi ako makapag-isip ng malinaw para manalangin. May pagkakataon, ako ay naka-upo sa aking silid-aralan na nag-iisa na lubhang nalilito na ako’y walang masabi kahit ano sa Panginoon, ngunit sa buong pagkakataon iyon ang aking puso’y dumaraing: “Diyos ko, tulungan mo ako! Hindi ko alam manalangin sa mga sandaling ito, kaya’t pakinggan ang daing ng aking puso. Sagipin mo ako sa katayuang ito.”

Nangyari na ba sa iyo ang ganoon? Naisip mo na ba, “Hindi ko alam kung ano ang mga ito. Masyado akong dinaig ng mga nangyayari sa akin, lubhang nalulunod sa masidhing kirot, hindi ko maipaliwanag ito. Panginoon, ni hindi ko alam ang sasabihin sa iyo. Ano ang nangyayari?”

Naniniwala ako na ito ang ganap na pinagdaanan ni David nang siya ay madakip ng mga Filisteo. Noon isinulat niya ang Awit 34, gumagawa siya ng pag-amin: “Ako’y nasa katayuang labis na dinadaig na aking ginampanan ang bahagi ng isang ungas. Gayunman, sa aking kalooban ako ay nagtataka, ‘Ano ang nangyayari sa akin? Paano ito nangyari Panginoon tulungan mo ako.”

At wari bang sinasabi ni David, “Ang nakakaawang taong ito ay dumadaing mula sa kanyang kalooban, hindi alam kung ano o paano manalangin. At ako ay dininig ng Panginoon at sinagip ako.” Ito ay malalim na daing mula sa puso, ang Panginoon ay tapat na dininig ang bawat hikbi, gaano man ito kahina.