Martes, Abril 22, 2008

ANG MAGKAROON NG MALINIS NA BUDHI

Alam mo ba na maaring maglakad sa harapan ng Panginoon na may malinis na budhi? Kapag ikaw ay nasasabik kay Hesus, maaring sinusubukan mo na—taimtim na nagnanais—na sundin itong utos ng Panginoon.

Nais kong hikayatin ka: ito ay maari o hindi na sana tayo tatawagin ng Diyos. Ang magkaroon ng malinis na budhi ay naging bahagi na ng buhay na may pananalig mula pa noong kinausap ng Diyos si Abraham: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay” (Genesis 17:1).

Sa Lumang Tipan nakita natin na ang iba ay nagtagumpay. Halimbawa si David, tiyak sa kanyang puso na sumunod sa utos ng Diyos na maging dalisay. Sinabi niya, “Ang aking susunding tumpak na ugali’y walang kapintasan… Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan” (Awit 101:2).

Upang makamit na mapanghawakan ang kaisipan ng pagkadalisay, una nating dapat maunawaan na ang pagkadalisay ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan, walang kapintasang pamumuhay. Hindi, ang pagkadalisay sa mga mata ng Panginoon ay may ibang pakahulugan. Nangangahulugan ito ng may kabuuan, malawak na pang-unawa, kagulangan.

Ang kahulugan sa Hebreo at Griyego ng pagiging ganap o pagkadalisay ay kabilang ang “matuwid, walang dumi o kapintasan, ganap na masunurin.” Nangangahulugan ito na tapusin ang inumpisahan, gumawa ng tapos na pagganap. Tinawag ni John Wesley itong kaisipan ng pagkadalisay na “matapat na pagkamasunurin.” Ito ay, ang malinis na budhi ay isang pusong tumutugon, yaong mabilisang tumugon at ganap sa lahat ng panunuyo, mga pagbulong, at mga babala ng Panginoon. Ang ganitong puso ay nagsasabi sa lahat ng sandali, “Magsalita ka, Panginoon, ang iyong lingkod ay nakikinig. Ipakita mo sa akin ang daan, at lalakaran ko ito.”

Ang malinis na budhi ay tumatawag kasama ni David, “O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais, kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid” (Awit 139:23-24).

Ang Diyos sa katunayan ay sinisiyasat ang ating mga puso; sinasabi ng sapat kay Jeremias: “Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumusubok sa puso ng mga tao” (Jeremias 17:10). Ang kahulugan sa Hebreo ng pariralang ito ay, “Ako’y pumapasok, sinisiyasat ko ng malalim.”

Ang malinis na budhi ay nagnanais na pumasok ang Banal na Espiritu at siyasatin ang kaibuturan ng tao, upang magliwanag ang lahat ng nakatago—upang siyasatin, ilantad at hukayin ang lahat na hindi kawangis ni Kristo. Yaong mga nagtatago ng lihim na kasalanan, gayunman, ay ayaw na mahatulan, masiyasat o maimbestigahan.

Ang malinis na budhi ay nananabik ng higit pa sa kapanatagan o pagtatakip sa kasalanan. Hinahanap nito na maging nasa presensiya palagi ng Diyos, Manahan sa pakikipag-isa. Ang pakikipag-isa ay nangangahulugan ng pakikipag-usap sa Panginoon, ibinabahagi ang matamis na pakikipag-isa sa kanya, hinahanap ang kanyang mukha at inaalam ang kanyang presensiya.

Ang pagsisiyasat sa puso ng Panginoon ay hindi mapaghiganti. Ang kanyang hangarin ay hindi upang tayo ay mahuli o maparusahan, sa halip ay upang ihanda tayo na humarap sa banal na presensiya na malinis katulad ng dalisay na sisidlan. “Sino ang marapat na umahon sa burol, sa burol ni Yahweh sino nga ang aahon? Siya, na malinis ang isip at buhay… Ang Diyos na si Yahweh ay pagpapalain siya” (Awit 24:3-5).