Sa Awit 27, nagsususamo si David sa Diyos sa isang masidhing pananalangin. Nakiusap sa sa berso 7, “O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag, lingapin mo ako, sa aki’y mahabag.” Ang panalangin ay naka tutok sa isang hangarin, isang adhikain, isang bagay na naging kalubusan para sa kanya: “Isang bagay lamang ang aking mithiin, isang bagay kay Yahweh hiniling” (27:4).
Si David ay sumasaksi, “mayroon akong isang dalangin, Panginoon, isang kahilingan. Ito ang isang pinakamahalagang layunin ko sa aking buhay, ang aking patuloy na dalangin, isang bagay na aking hangarin. At hahanapin ko ito kasama ang lahat sa aking kalooban. Ito ang isang bagay na kalubusan ng aking layunin.
Ano itong isang bagay na hinahangad ni David ng higit pa sa lahat ng bagay, ang bagay na inilagay niya sa puso niya na makamit? Sinabi niya sa atin: “Ang ako’y lumagi sa banal na templo, upang kagandahan niya’y mamasdan ko at yaong patnubay niya ay matamo” (27:4).
Huwang magkamali: si David ay hindi isang matipid, umiiwas sa sanlibutan. Hindi siya isang ermitanyo, naghahanap na magtago sa malungkot na disyertong lupain. Hindi, si David ay isang may masimbuyong damdamin ng taong kumikilos. Isa siyang dakilang mandirigma, na may malaking libunbon ng tao na umaawit ng kanyang tagumpay sa pakikipaglaban. Siya ay isa ring masimbuyo sa pananalangin at paglilingkod, na may puso na nananabik sa Diyos. At ang Panginoon ay pinagpala si David sa maraming hangarin ng kanyang puso.
Sa katunayan, natikman ni David ang lahat ng bagay na nanaisin ng isang tao sa kanyang buhay. Naranasan niya ang kayamanan at karangyaan, kapangyarihan at karapatan. Natanggap niya ang paggalang, papuri at paghanga ng mga tao. Ibinigay ng Diyos ang Jerusalem sa kanya bilang kapitolyo ng kaharian at siya ay napapalibutan ng mga matapat na mga kalalakihan na handang mamatay para sa kanya.
Higit sa lahat, si David ay isang mananamba. Isa siyang mapagpuring lalaki na nagbibigay pasalamat sa Ditos sa lahat ng kanyang pagpapala. Sumaksi siya, “Ang Panginoon ay nagbigay ng pagpapala sa kanya araw-araw.”
Sinasabi David, na may katunayan, “Mayroong isang pamumuhay na hinahanap ko—isang tiyak na kapalagayan sa Panginoon na matagal nang hinahanap ng kaluluwa ko. Nais ko ng isang walang putol na kapalagayang espirituwal sa aking Diyos.” Ito ang ibig ipakahulugan ni David sa kanyang panalangin, “Ang ako’y lumagi sa banal na templo, upang kagandahan niya ay mamasdan ko at yaong patnubay niya ay matamo” (27:4).