Martes, Enero 12, 2010

SA DI ABOT NG PAG-ASA NG TAO

Mayroong mga pagkakataon na kung minsan sa buhay ng tao ang kalalagayan ay di abot ng pag-asa ng tao. Walang magpapayo, walang manggagamot, walang lunas o anupaman na makakatulong. Ang kalalagayan ay naging imposible na. Nangangailangan na ito ng himala, kung hindi ito ay mauuwi sa pagkawasak.


Sa mga ganitong pagkakataon, ang natitira na lamang pag-asa ay mayroong lumapit kay Hesus. Hindi mahalaga kung sino ito, maaaring ang ama, ina, o bata. Ang taong iyon ay kinakailangan na panghawakan ang pananagutan na makalapit kay Hesus. At kailangan niyang matiyak, “Hindi ako aalis hanggang hindi ako nakakarinig mula sa Panginoon. Kailangan sabihin niya sa akin, ‘Nagawa na ito. Ngayon humayo ka.’”


Sa Mabuting Balita ayon kay Juan, nakita natin ang isang pamilya na nasa kagipitan: “Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki” (Juan 4:46). Sila ay kinikilalang pamilya, marahil ay may dugong bughaw. Ang espiritu ng kamatayan ay ramdam sa tahanang iyon, habang ang mga magulang ay inaalagaan ang mamamatay ng anak. Maaring mayroon pang ibang miyembro ng pamilya sa bahay, marahil ay mga tiyahin at mga tiyuhin, mga lolo, o iba pang mga anak. Sinabihan tayo na ang buong kabahayan ay nananalig, maging ang mga katulong sa bahay. “[Ang ama] ay nanalig, at ang buong sambahayan” (4:53).


Mayroon sa naguguluhang pamilyang iyon ay kilala kung sino si Hesus, at nadinig na ang kanyang mahimalang kapangyarihan. Kahit papano, may balita na nakarating sa sambahayang iyon na si Kristo ay nasa Cana, may 25 milya lamang ang layo. Sa kanilang desperasyon, inako ng ama na makalapit sa Panginoon. Sinabi ng Kasulatan sa atin, “nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito” (4:47).


Ang pinunong ito ay may malakas na determinasyon at nakalapit kay Hesus. Sinabi ng BIbliya “Pinakiusapan niya itong [Hesus] pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo” (4:47). Isang kataka-takang larawan ng namamagitan. Ang taong ito ay iniwan ang lahat para makalapit sa Panginoon upang makapagbigay ng salita.


Sinagot siya ni Kristo, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya” (4:48). Ano ang ibig sabihin ni Hesus dito? Sinasabi niya sa pnunong ito na ang mahimalang pagliligtas ay hindi ang kanyang madiing pangangailangan. Sa halip, ang unang pinag-uusapan dito ay ang tungkol sa pananampalataya ng tao. Isipin ito: Maaring magpunta si Kristo sa tahanan ng pamilyang ito, hawakan ng kamay ang anak na mamamatay na at pagalingin siya. Gayunman ang alam lamang ng pamilyang ito ay si Hesus ay gumagawa ng himala.


May higit pang nais si Kristo para sa lalaking ito at sa kanyang pamilya. Nais niyang manampalataya sila na siya ang Diyos sa katawang tao. Kaya sinabi niya sa pinuno, na may kakanyahan, “Ngunit sinabi ng pinuno, ‘Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak’” (4:49). Sa puntong iyon, marahil ay nakita ni Hesus ang pananampalataya ng lalaking iyon. Ito ay parang sinabi ni Hesus, “Naniniwala siya na ako ang Diyos sa katawang tao.” Sapagkat sa sumunod nabasa natin, “Sumagot si Hesus, ‘Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak” (4:50).