Biyernes, Enero 22, 2010

NALUGOD NIYA ANG DIYOS

Si Enoc ay malugod na tinatamasa ang pakikipag-isa niya sa Panginoon. Katunayan, ang kanyang pakikisama sa Diyos ay lubos na malapit, ang Panginoon ay inilipat siya sa kaluwalhatian bago pa man matapos ang buhay niya sa mundo. “Dahil sa pananalig sa Diyos, hindi namatay si Enoc, kundi inilipat sa kabilang buhay. Hindi na siya nakita sapagkat inilipat na nga siya ng Diyos. Sinasabi sa Kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod sa Diyos bago inilipat” (Hebreo 111:5).


Bakit pinili ng Diyos na ilipat si Enoc? Ang panimulang salita sa bersong ito ay nagsasabi sa atin ng malinaw na ito ay dahil sa kanyang pananalig. Higit pa dito, ang pangtapos na parirala ay nagsabi sa atin na ang pananalig ni Enoc ay kinaluguran ng Diyos. Ang ugat na salita sa Griyego dito para sa kaluguran ay nangangahulugan ng lubos na pagkaka-isa, buong pagkakasundo, ganap na magkasama. Sa maikling sabi, si Enoc ay may pinkamalapit na pakikisama sa Panginoon na maaring tamasahin ng isang tao. At ang kapalagayang-loob na ito ay kinaluluguran ng Diyos.


Sinasabi ng Bibliya sa atin na si Enoc at nagsimulang maglakad kasama ang Panginoon nang siya ay naging ama sa kanyang anak na si Metusela. Si Enoc ay 65 taong gulang noon. At ginamit niya ang sumunod na 300 daang taon sa pakikipag-isa sa Diyos ng may kapalagayang-loob. Niliwanag ng Hebreo na si Enoc ay palaging nakikipag-isa sa Ama, lubos na may kapalagayang-loob sa kanyang oras-oras na pakikipagsamahan, pinili ng Diyos na isama siya pauwi sa kanya . Sinabi ng Panginoon kay Enoc na may kakanyahan, “Hindi na kita madadala ng malayo pa sa katawang lupa. Para lalong lumago ang kapalagayang-loob ko sa iyo, kailangang dalhin kita sa tabi ko.” Kaya’t pinalis niya si Enoc sa kaluwalhatian.


Ayon sa Hebreo 11:5, ito ay ang pagiging malapit ni Enoc ang nakalugod sa Diyos. Sa ating kaalaman, ang taong ito ay hindi gumawa ng himala, hindi nakabuo ng malalim na teolohiya, hindi gumawa ng mga dakilang gawain na maaring mabanggit sa Kasulatan. Sa halip nabasa natin ang simpleng paglalarawan ng matapat na pamumuhay ng taong ito: “Si Enoc ay lumakad kasama ang Diyos”


Si Enoc ay may malapit na pakikipagsamahan sa Ama. At ang kanyang buhay ay isa pang patotoo kung ano ang kahulugan ng tunay na naglalakad sa pananalig.