Martes, Enero 19, 2010

ANG APOY NG DIYOS AY PATULOY NA NAG-AALAB

May kalungkutan, marami sa mga Katawan ni Kristo ngayon ay humahalintulad sa mga makabagong Lambak ng Tuyong Buto. Ito ay isang ilang na puno ng mga ibinilad na buto ng mga nahulog na Kristiyano. Mga Ministro at ibang debotong mananampalataya ay nasunog sapagkat sila’y puno ng kasalanan. Ngayon sila ay puno ng mga kahihiyan, nagtatago sa lungga na sarili nilang likha. Katulad ni Jeremias, nahikayat nila ang kanilang mga sarili, “Lilimutin ko si Yahweh at di na sasambitin ang kanyang pangalan” (Jeremias 20:9).


Ang Diyos ay patuloy pa ring nagtatanong ng katulad na katanungan na itinanong niya kay Ezekiel: “Ang mga patay na butong ito ay mabubuhay pa?” Ang kasagutan sa tanong na ito ay perpekto. “Oo!” Ito ay mangyayari sa muling pananariwa ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos.


Ang Salita ng Diyos ay siya mismong lumalamong apoy. Sa katunayan, ito lamang ang tunay na liwanag na mayroon tayo sa madilim na bahagi ng gabi ng ating kawalan ng pag-asa. Ito lamang ang ating pananggalang laban sa kasinungalingan ng kaaway, kapag siya ay bumulong, “Tapos na ang lahat. Nawala na ang apoy sa iyo. At hindi mo na muli itong makukuha.”


Ang isang bagay lamang na makapagpapalabas sa atin sa kadiliman ay ang ating pananampalataya. At ang pananampalataya ay nakukuha sa pakikinig sa Salita ng Diyos. Kailangan lamang natin na panghawakan ang Salita na ipinunla sa atin. Ipinangako ng Panginoon, “Hindi ko hahayaan na ikaw ay bumagsak; dahil doon, wala kang dahilan upang mawalan ng pag-asa. Walang dahilan para sumuko. Mamahinga ka sa Salita ko.”


Maari mong isipin, “Ngunit ang kadilimang ito ay ang pinakamasamang bagay na nalaman ko. Nakarinig na ako ng libong pangangaral sa Salita ng Diyos, ngunit walang anumang halaga ang mga ito sa akin ngayon.” Huwag mabalisa, ang apoy ng Diyos ay nag-aalab pa rin sa iyo, kahit na hindi mo ito nakikita. At kailangang ibuhos mo sa apoy na iyon ang panggatong ng iyong pananampalataya. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon. Kapag ginawa mo ito, makikita mo ang lahat ng iyong pagdududa at pagnanasa ay lalamunin.


Ang Espiritu ng Diyos ay humihingang muli sa bawat bahagi ng mga tuyong buto. Ipinaalala niya ang Salita na itinanim niya sa mga ito. At iyong minsang mga namatay na ay muling binuhay. Sila ay tumatangis katulad ni Jeremias, “Ang apoy ng Diyos ay matagal nang naapula sa akin sa matagal ng panahaon. Hindi ko na kayang panghawakan ito. Nadadama ko ang kapangyarihan ng Diyos na ibinabangon ako. Muli niya akong binigyang buhay. At wiwikain ko ang Salita na ibinigay niya sa akin. Aking ipapahayag ang kanyang kahabagan at kapangyarihang magpagaling.