Huwebes, Enero 21, 2010

KAIBIGAN NG DIYOS

Isaalang-alang ang paraan ng paglalarawan ng Diyos sa kanyang kaugnayan kay Abraham: “Abraham na aking kaibigan” Isaias 41:8). Kahalintulad ang bagong Tipan ay nagsabi sa atin, “Si Abraham ay sumasampalataya sa Diyos…Ang tawag sa kanya ng Diyos ay ang Kaibigan kong si Abraham” (Santiago 2:23).


Isang di-kapani-paniwalang karangalan, ang matawag na kaibigan ng Diyos. Maraming Kristiyano ay inawit ang kilalang awitin, “Isang Kaibigan na Mayroon Tayo Kay Hesus.” Ang talatang ito sa Bibliya ay dinala sa tahanan ang katotohanang iyon na may kapangyarihan. Para tawagin ng Lumikha ng sansinukuban na kaibigan ang isang tao ay parang hindi abot ng pantaong pang-unawa. Gayunman ito ay nangyari kay Abraham. Ito ay hudyat ng dakilang pakikipag-isa sa Diyos.


Ang salitang Hebreo na ginamit ni Isaias para sa kaibigan dito ay nagpapahayag ng pagkagiliw at pagiging malapit. At sa Griyego, ang salita ni Santiago para sa kaibigan ay minamahal, malapit na kapanalig. Parehong nangangahulugan ng pagbabahagian ng pagpapalagayang-loob.


Ang lumagong malapit kay Kristo. Ay lalong lumalakas ang ating pagnanais na maging buo sa kanyang presensiya. Higit pa doon, nagsisimula na makita natin na mas maliwanag na si Hesus ay siyang tangi nating simulain.


Sinasabi ng Bibliya sa atin na si Abraham “habang hinihintay niyang maitatag ang lunsod, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos” (Hebreo 11:10). Para kay Abraham, walang anuman sa buhay na ito ang permanente. Ang Kasulatan ay nagsabi na ang daigdig ay isang “kakaibang lugar” para sa kanya. Hindi ito ang lugar para maglagay ng ugat. Ang makalangit na bansa na hinahanap ni Abraham ay hindi isang likas na lugar. Sa halip, ito ay ang maging nasa tahanan kasama ang Ama. Nakita mo, ang salitang Hebreo para sa pariralang ito, “makalangit na lugar,” ay Pater. Nanggaling ito sa salitang ugat na nangangahulugan na Ama. Kaya, ang makalangit na bansa na hinahanap ni Abraham, ay likas, na isang lugar kasama ang Ama.


Gayunman si Abraham ay hindi isang mistiko. Hindi siya matipid na naglagay ng banal na hangin at namuhay sa espirituwal na paghihirap. Ang taong ito ay namuhay sa sanlibutan, may malalim na kaugnayan sa gawaing pangsanlibutan. Kung tutuusin, siya ay nagmamay-ari ng libu-libong hayupan. Mayroon siyang sapat na mga utusan na maaring magbuo ng maliit na hukbo. Si Abraham ay maaring lubhang abala, pinamumunuan ang kanyang mga utusan at namimili at nagtitinda ng kanyang mga baka, tupa at mga kambing.


Gayunman kahit paano, kahit na siya ay maraming kabuhayan at pananagutan, si Abraham ay may panahon pa rin sa kanyang pagiging malapit sa Diyos.