Miyerkules, Enero 6, 2010

PUSPOS NG ESPIRITU

“Tinanggap natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay ng tapat sa Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala kay Hesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan” (2 Pedro 1:3).


Sa maraming taon inangkin ko na mapuspos ng Espiritu. Nagpatotoo ako na nabinyagan sa Espiritu. Nangaral ako na ako ay binigyan ng kapangyarihan para magpatotoo, at ako ay nasantipikahan niya. Nanalangin ako sa Espirtu, nakipag-usap sa Espiritu, lumakad sa Espiritu at nadinig ang kanyang tinig. Lubos akong naniniwala na ang Banal na Espiritu ay ang kapangyarihan ng Diyos.


Madadala kita sa lugar na kung saan ako napuspos ng Epiritu, sa gulang na walong taon. Nabasa ko ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Banal na Espiritu. Gayunman itong mga nakaraan, nakita ko ang sarili ko na nananalangin, “Tunay ko bang kilala ang di-kapani-paniwalang kapangyarihan na nananahan sa akin? O ang Espiritu ba ay isa lamang doktrina para sa akin? Kahit paano ipinagsasawalang-bahala ko ba siya? Hindi ko ba hinihiling sa kanya na gawin niya para sa akin ang dahilan ng pagdating niya?


Ang katunayan ay, maari kang magkaroon ng bagay na mahalaga ngunit hindi mo alam ito. At hindi mo matamasa ang isang bagay na mayroon ka, sapagkat hindi mo alam kung gaano kahalaga ito.


Mayroong isang salaysay tungkol sa isang magsasaka na nagtatrabaho sa buong buhay niya sa kanyang maliit na sakahan. Sa maraming dekada sinaka niya ang mabatong lupa, namumuhay na mahirap lamang at sa huli ay namatay na walang-kasiyahan. Sa kanyang kamatayan, ang sakahan ay napabigay sa anak. Isang araw, habang nag-aararo, ang anak ay nakatuklas ng isang munting pirasong ginto. Kanya itong ipinauri at sinabihan na ito ay isang purong ginto. At agad na natuklasan ng nakababatang lalaki na ang sakahan ay puno ng ginto. Biglaan, siya ay naging mayaman. Gayunman ang kayamanan ay nawala sa kanyang ama, kahit na ito ay nasa kanyang lupa buong buhay niya.


Kaya’t ito man ay nasa Banal na Espiritu. Marami sa atin ay namumuhay ng walang kaalaman sa kung ano mayroon tayo, sa kapangyarihan na naninirahan sa atin. Mayroon mga Kristiyano na nabubuhay na iniisip na mayroon sila ng lahat ng dala ng Banal na Espiritu gayunman hindi nila talaga lubusang tinanggap siya sa kanyang kapunuan at kapangyarihan. Hindi niya naisasagawa ang walang hanggang gawain na siyang dahilan kung bakit siya ipinadala.