Huwebes, Enero 7, 2010

ISANG DAKILANG PAGPUKAW

Ano ang ibig kong sabihin sa isang dakilang pagpukaw? Ang sinasabi ko’y tungkol sa inilalarawan ni Pablo bilang isang pahayag at pagpapaliwanag.: “At hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya” (Efeso 1:17-19).

Sinasabi ni Pablo sa mga taga Efeso, “Ipinanalangin ko na bigyan nawa kayo ng Diyos ng isang sariwang pahayag, na buksan niya ang inyong mga mata sa pagtawag na ibinigay niya sa inyo. Hiniling ko sa kanya na bigyan kayo ng bagong pang-unawa tungkol sa inyong mamanahin, ang kayamanan na na kay Kristo na inyong pag-aari. Mayroong makapangyarihang lakas na nais ng Diyos na pakawalan sa inyo. Ito’y katulad ng kapagyarihan na na kay Hesus. Oo, katulad ng kapangyarihan na nasa nakaupong si Kristo sa langit ay nasa inyo ngayon.”

Ayon kay Pablo, “Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos,” ay katulad “ang walang-hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya (1:20, 19). Sa dahilang ito, hinikayat ni Pablo, “Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya” (2 Corinto 13:5).

Paano natin titiyakin ang ating mga sarili? Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagsukat sa ating mga sarili laban sa kahanga-hangang pangako ng Diyos. Kailangan nating tanungin ang ating mga sarili: “Kumukuha ba ako ng lakas mula kay Kristo upang mapaglabanan ang kasamaan? Gumagamit ba ako ng kanyang kapangyarihan upang mapaglabanan ko ang kasalanan? Patuloy ba akong namumuhay sa kagalakan, kapayapaan at kapahingahan na ipinangako ni Hesus sa bawat mananampaltaya na walang pinipili?”

Ang inyong pansariling “dakilang pagpupukaw” ay dumating sa araw na tumingin ka sa iyong buhay at dumaing, “Mayroong pang higit sa buhay kay Kristo kaysa dito. Ang lahat ng aking mga plano ay naisiwalat, lahat ng aking mga pangarap ay nawasak. Ako’y nabubuhay bilang alipin ng aking mga kinatatakutan at makalamang pagnanasa. Ngunit hindi ko na kaya itong gawin.

“Alam kong tinawag ako ng Panginoon para sa nakahihigit pa kaysa sa dito sa bigong buhay. At hindi ako magkukunwa. O, Diyos, mayroon ba talagang lugar na kung saan ay mabibigyan mo ako ng lakas na mamuhay na tagumpay? Tunay ba talagang papayagan mo ako na maging higit pa sa isang manlulupig sa aking mga pagsubok? Totoo ba na nagbigay ka ng lugar na may lubos na kapayapaan para sa akin sa gitna ng aking mga pakikipaglaban?

“Tunay ba talagang maaari na magkaroon ako ng patuloy kapalagayang-loob sa iyo? Totoo ba na hindi ko na kailangang madulas sa pagkawalang-bahala o pagpupunyagi para malugod ka? Mayroon ba talagang kapahingahan sa iyo na kung saan ay hindi ko na kailangan ang pagmumuling-buhay, sapagkat ang panananlig ko ay mananatiling matatag?”