Lunes, Enero 18, 2010

ANG AKING BUHAY AY PINANGANGALAGAN

Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na si Jacob ay nakatanggap ng di-kapani-paniwalang pahayag sa harap-harapang mukhaan sa Diyos: “Sinabi ni Jacob, ‘Nakita ko nang mukhaan ang Diyos, gayunma’y buhay pa rin ako.’ At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon” (Genesis 32:30). Ano ang kalagayan na pumapaligid sa pahayag na ito? Iyon ang pinakamababa, at ang pinakanakakatakot na sandali ng buhay ni Jacob. Nang sandaling iyon, si Jacob ay naipit sa dalawang makapangyarihang puwersa: ang galit niyang biyenan, na si Laban, at ang salungat at nabubuwang na kapatid, na si Esau.


Si Jacob ay nagpakahirap sa loob ng 24 na taon para kay Laban, na dumadaya sa kanya ng madalas. Sa huli, si Jacob ay napuno na, kaya’t hindi nagsasabi kay Laban, kinuha niya ang kanyang pamilya at sila’y tumakas.


Hinabol siya ni Laban mula sa silangan, kasama ang maliit na hukbo, handang patayin si Jacob. Gayunman, noong nagbabala ang Diyos kay Laban sa kanyang panaginip na huwag saktan si Jacob saka niya hinayaan na lamang ang kanyang manugang na lumayo. Hindi pa nagtatagal na wala na si Laban sa usapan, gayunman, nandito naman si Esau na dumarating mula sa kanluran. Siya ay namumuno sa isang maliit na hukbo ng 400 kawal, handang patayin ang kanyang kapatid sa pagnanakaw ng kanyang katutubong karapatan. Humarap si Jacob sa ganap na kalamidad, tanggap na mawawala na ang lahat sa kanya. Ang kalagayan ay nagmukha ng walang pag-asa; gayunman sa madilim na oras na iyon, si Jacob ay nagkaroon ng pakikipagharap sa Diyos na hindi pa nangyari kailanman. Nakipagbuno siya sa anghel na pinaniwalaan ng mga iskolar siyang Panginoon mismo.


Ngayon isipin din si Job. Sa sandali ng pinakamadilim na oras ni Job, ang Diyos ay nagpakita sa kanya sa isang buhawi. At ang Panginoon ay nagbigay sa lalaking ito ng pinakadakilang pahayag na nasaksihan ng isang tao.


Dinala ng Diyos si Job sa sansinkuban, at pagkatapos ay sa kailaliman ng dagat. Dinala siya sa pinakalihim ng likha. At nakita ni Job ang mga bagay na hindi pa nakita ng sinumang tao. Ipinakita sa kanya ang ganap na kaluwalhatian at kadakilaan ng Diyos. Lumutang si Job mula sa karanasang iyon na nagpupuri sa Diyos, nagwiwika, “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang. Sinong nagsasalita ng walang nalalaman? Kaya ako’y humatol ng walang katuturan, na hindi ko alam ang lahat ng bagay. Ikaw ang makinig sa aking sasabihin, at iyong ibadya ang sagot mo sa akin. Nakikilala kita sa balita lamang, ngunit ngayo’y akin nang namasdan” (Job 42: 2-5).


May kataka-takang bagay ang nangyayari kapag tayo ay tunay na nanalig. Kapayapaan ang dumarating sa atin, nagbibigay daan para sa atin na magsabi, “Hindi mahalaga anuman ang kalabasan ng mahigpit na pagsubok na ito. Ang Diyos ko ang may hawak sa lahat ng bagay. Wala akong dapat ikatakot.”