Miyerkules, Enero 20, 2010

ANG KAPANGYARIHAN NA MANATILING LUNTIAN

Ako ay dinala na basahin at pag-aralan ang Pahayag 9, ang kabanatang tumatalakay sa balang. Habang binabasa ko ang ika-apat na berso, tungkol sa utos ng Diyos sa mga balang na huwag puksain ang anumang bagay na kulay luntian, isang isipin ang pumukaw sa akin.


Napansin ko na nandoon ang susi para manatiling ligtas sa anumang sandali ng katatakutan: “manatiling luntian.” Isinulat ni David, “Kahoy na olibo…sa tabi ng templo, ang aking katulad, nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas” (Awit 52:8).


Ang “luntian” na tinutukoy ni David dito ay nangangahulugan ng espirituwal na kalusugan. Nangangahulugan ito na yumabong, lumago, maging mabunga. Sinasabi ni David sa atin, “Ang kalusugan ko ay nanggagaling mula sa aking pananalig sa Diyos. Yumayabong ako pagkat lumalapit ako sa kanya. Ang pananalig ko sa kanya ay nagbubunga ng espirituwal na pamumuhay sa akin”


Narito ang isang maluwalhating katotohanan tungkol sa kapangyarihan na manatiling luntian. “Sinasabi ni Yahweh, parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa kapangyarihan ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang katulad nila’y halamang tumutubo sa ilang, sa lupang tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya” (Jeremias 17:5-6).


Ang Panginoon ay nagbabala, “Huwag magtiwala sa tao. Kapag inilagay ang iyong pagtitiwala sa kapangyarihan ng tao na higit pa sa akin, ikaw ay isusumpa.”


Gayunman, kapag inilagay natin ang ating pananalig sa Panginoon, narito ang ibubunga ng ating pananalig: “Ngunit maligaya ang taong nananalig kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Ang katulad niya’y halamang nakatanim sa tabi ng batisan, ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umuulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga” (17:7-8).


Habang lubusan tayong nananalig sa Ama, inilalagay natin ang ugat sa batis ng kalusugan. At ang kanyang banal na lakas---makatas, luntian, espirituwal na kalusugan---ay dadaloy sa atin at sa pamamagitan natin. Habang ang lahat sa paligid natin ay nabubulok, tayo ay yayabong na parang luntiang puno, malusog at malakas. At kapag dumating ang oras ng pagsubok, hindi tayo manghihina o malalanta. Sa halip, ang ating pananalig ay patuloy na lalago.