Lunes, Enero 25, 2010

DAGDAGAN ANG ATING PANANALIG

Ang Marcos 4 ay nag-ugnay ng salaysay tungkol kay Kristo at ang kanyang mga dsiipulo sa bangka tungkol sa mabagyong dagat. Sa pagpili ng tagpo, kinalma ni Kristo ang alon sa isang utos lamang. Ngayon lumingon siya sa kanyang mga disipulo at nagtanong, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” (Marcos 4;40).


Maari mong isipin na ito’y malupit pakinggan. Likas lamang sa tao ang matakot sa ganoong bagyo. Ngunit hindi sila kinagagalitan ni Hesus dahilan doon. Sa halip, sinasabi niya sa kanila, “Pagkatapos ng lahat ng sandali kasama ako, hanggang ngayon ay hindi ninyo pa ako kilala. Paano ninyo nagagawang lumakad kasama ako sa katagalang ito, at hindi ninyo ako kilala na may kapalagayang-loob?


Sa katunayan, ang mga disipulo ay namangha sa kahanga-hangang himala na kanyang ginawa. “Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t isa, sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?” (4:41).


Maiisip ninyo ba ito? Ang sariling disipulo ni Hesus ay hindi siya kilala. Panariling tinawag niya ang bawat isa sa mga lalaking ito na sumunod sa kanya at sila ay nangaral na katabi niya, sa maraming tao. Gumawa sila ng mga himala ng pagpapagaling, at nagpakain sa maraming nagugutom na tao. Ngunit sila ay estranghero pa rin sa kung sino talaga ang kanilang Maestro.


Sa kasamaang palad, ganon pa rin ngayon. Maraming Kristiyano ay nakasakay kasama si Hesus, nangaral katabi niya, at nakalapit sa maraming tao sa pangalan niya. Ngunit hindi nila ganap na kilala ang kanilang Maestro. Hindi sila nakapag-ubos ng panahon na mapalapit sa kanya. Hindi sila nakaupo ng tahimik sa kanyang presensiya, buksan ang puso nila sa kanya, maghintay at makinig para maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanila.


Nakita natin ang iba pang tagpo tungkol sa pananalig ng mga disipulo sa Lucas 17. Ang mga disipulo ay lumapit kay Hesus, humihiling, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos” (Lucas 17:5). Maraming Kristiyano ngayon ang nagtatanong ng katulad na katanungan: paano ako makakakuha ng pananalig? Ngunit hindi nila hinanap ang Panginoon para sa kanilang kasagutan.


Kung nais ninyo ng dagdag na pananalig, kailangang gawin ninyo ang katulad ng bagay na sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo na gawin sa talatang ito. Paano niya sinagot ang kanilang kahilingan tungkol sa pananalig? “Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko” (17:8). Sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Isuot mo ang iyong damit ng pagiging matiisin. At lumapit ka sa aking mesa at kumain ka kasama ko. Nais kong pakainin mo ako dito. Magsaya kang silbihan ako sa buong maghapon. Ngayon nais kong makisama ka sa akin. Maupo ka katabi ko, buksan mo ang iyong puso, at kilalanin mo ako.”