Sa kabuuan ng Kasulatan, ang pinakadakilang pahayag ng kabutihan ng Diyos ay dumating sa mga tao sa sandali ng kanilang mga kaguluhan, kalamidad, pag-iisa at paghihirap. Nakita natin ang halimbawa nito sa buhay ni Juan. Sa loob ng tatlong-taon, ang apostol na ito nasa “dibdib ni Hesus.” Iyon ay panahon ng tunay na kapahingahan, kapayapaan at kagalakan, na walang mga kaguluhan o mga pagsubok. Ang alam lamang niya ay si Hesus ay Anak ng tao. Kaya, kailan niya natanggap ang pahayag ni Kristo sa pangkalahatan ng kanyang kaluwalhatian?
Nangyari lamang ito pagkatapos na si Juan ay kinaladkad na nakakadena mula sa Ephesus. Siya ay itinapon sa isla ng Patmos, na kung saan siya ay nahusgahan ng pagtatrabaho ng mahirap. Siya ay nag-iisa, walang kasamahan, walang pamilya o mga kaibigan para aliwin siya. Iyon ay sandali ng lubos na kawalan ng pag-asa, ang pinakamababang bahagi ng kanyang buhay.
At iyon ang panahon ng matanggap ni Juan ang pahayag ng kanyang Panginoon na siyang magiging huling sangkap ng Kasulatan: ang Aklat ng Pahayag. Sa gitna ng oras ng kadiliman, ang liwanag ng Banal na Espiritu ay dumating sa kanya at nakita niya si Hesus na animo’y hindi pa niya nakita kailanman. Tunay niyang nakita si Kristo bilang Anak ng Diyos.
Hindi natanggap ni Juan ang pahayag na ito habang kasama niya ang ibang mga apostol, o maging noong panahon ni Hesus sa sanlibutan. Gayunman ngayon, sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay, nakita ni Juan si Kristo sa kabuuan ng kanyang kaluwalhatian, nagpapahayag, “At ang nabubuhay! Namatay ako ngunit masdan mo, ako’y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay” (Pahayag 1:18). Ang di-kapani-paniwalang pahayag na ito ay inilagay si Juan sa kanyang mukha. Ngunit ibinangon siya ni Hesus at ipinakita sa kanya ang mga susi na hawak niya sa mga kamay niya. At tiniyak niya kay Juan, “Huwag kang matakot” (1:17).
Naniniwala ako na ang pahayag na ito ay dumarating sa bawat nananalangin, nagdurusang lingkod sa sandali ng kanyang pangangailangan. Sinasabi ng Banal na Espiritu, “Hawak ni Hesus ang lahat ng susi sa buhay at kamatayan. Kaya’t ang paglisan ng lahat ay nakasalalay sa kanyang mga kamay.” Ang pahayag na ito ay nangangahulugan ng pagdadala ng kapayapaan sa ating mga puso. Katulad ni Juan, kailangan nating ilarawan si Hesus na nakatayo sa harapan natin, hawak ang susi sa buhay at kamatayan, at tinitiyak sa atin, “Huwag kang matakot. Hawak ko ang lahat ng susi.” Ano ang ating magiging kasagutan? Katulad ni Job, tayo’y dapat manatili sa pananalig, “ Si Yahweh ang nagbibigay siya rin ang kukuha. Purihin si Yahweh” (Job 1:21).