Ayon kay Juan, lahat ng pag-ibig ng Diyos ay nanahan kay Hesus, Isinulat niya,”Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob” (Juan 1:16). Paano natin natanggap ang pag-ibig ng Ama? Natanggap natin ito sa pamamagitan pagiging na kay Kristo.
Ngunit, maari mong itanong, ano ang kahalagahan na malaman ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos na ipinabatid sa atin sa pamamagitan ni Kristo? Paano ito nakaapekto sa pang-araw-araw nating buhay?
Paano naging mahalaga ang pag-ibig ng Diyos sa ating mga buhay? Kailangang tumingin tayo kay Kristo bilang halimbawa. Sinabi na ni Hesus sa atin na iniibig tayo ng Ama na katulad ng pag-ibig niya sa kanyang sariling Anak. Kaya, anong halaga mayroon ang pag-ibig ng Diyos kay Hesus?
“Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Kristo ang kanyang buhay dahil sa atin…” (1 Juan 3:16). Narito ang bunga ng pag-ibig ng Diyos kay Hesus: binigay niya ang sarili niya bilang sakripisyo sa iba. Ang ikalawang bahagi ng talatang ito ay nagsasabi sa atin ng layunin ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga buhay. Mababasa dito, “… dapat din nating ialay ang ating buhay dahil sa mga kapatid.” Ang pag-ibig ng Diyos ay ginagabayan din tayo para ialay ang ating mga katawan bilang buhay na mga sakripisyo.
Naisip mo na ba ang tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng tunay na pag-aalay ng inyong mga buhay para sa iyong mga kapatid? Hindi tinatalakay ni Juan ang tungkol sa pagiging martir sa banyagang lupa. Hindi niya tinutukoy na maghandog ng sangkap ng katawan. At hindi niya ibig sabihin na palitan natin ang mga kundenadong mga Kriminal sa bibitayan. Si Kristo lamang ang nagsakripisyo ng ganoon. Hindi, ang isang uri lamang ng Kristiyano na makapagdadala ng buhay at pag-asa sa kanyang mga kapatid ay isang patay na. Ang ganitong lingkod ay namatay sa sanlibutang ito—para sa lahat, katigasan ng loob at ambisyon.
Ang “patay” na Kristiyano ay hinayaan ang Banal na Espiritu na suriin ang kanyang espiritu. Nakikita niya ang katiwalian at kasamaan sa kanyang puso. At kusang-loob siyang pumunta sa altar ng Diyos, tumatangis, “Panginoon, lamunin mo ako. Kunin mo lahat.” Alam niya na sa pamamagitan lamang ng paglilinis mula sa dugo ni Kristo para maialay niya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kapatid.