Huwebes, Abril 22, 2010

TINAWAG BAGO PA MAGSIMULA ANG PANAHON

Sinabi ng apostol Pablo ang tungkol sa Diyos, “Na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo-Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon” (1 Timoteo 1:9).

Ang bawat tao na na “kay Kristo” ay tinawag ng Panginoon. At tayong lahat ay may pare-parehong kautusan: na making sa tinig ng Diyos, na ipahayag ang kanyang Salita, na huwag matakot sa tao at manalig sa Panginoon sa mukha ng bawat pagsubok na maaaring dumating.

Sa katunayan, ginawa ng Diyos ang pangakong ito sa propetang si Jeremias nang siya ay tinawag niya (tingnan ang Jeremias 1:1-10). Katulad ni Jeremias, hindi natin kailangang may mensaheng inihanda upang sabihin sa harap ng sanlibutan. Ipinangako niya na lalagyan niya ang ating mga labi kanyang mga Salita, sa tamang pagkakataon kapag ito’y kinailangan. Ngunit iyan ay mangyayari lamang kung tayo ay mananalig sa kanya.

Sinabi ni Pablo sa atin na marami ang hihiranging mga mangangaral, mga guro at mga apostol, at silang lahat ay magdurusa sa dahilang iyon. Ibinilang niya ang kanayang sarili kasama nila: “Ako’y ginawang apostol at guro upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa ng ganito” (2 Timoteo 1:11-12).

Ipinakikita ng Kasulatan na si Pablo ay sinubok bilang mga naging ministro. Sinubukan siyang patayin ni Satanas sa maraming pagkakataon. Ang tinatawag na mga relihiyosong nakakarami at tinanggihan siya at tinuya. May pagkakataong maging ang mga nagtaguyod sa kanya ay iniwan siya at inabuso at pinabayaan.

Ngunit si Pablo ay hindi nalito sa harap ng mga tao. Hindi siya nanlumo o napahiya sa harapan ng sanlibutan. At hindi kailanman napagod si Pablo. Sa bawat pagkakataon, mayroong siyang pinagpalang mga salita na winika mula sa Diyos, sa pagkakataong kinailangan ito.

Ang katunayan ay, hindi kayang yanigin si Pablo. Hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Panginoon. Sa halip, pinatunayan niya, “Sapagkat lubos kong nakilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatn niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya” (2Timoteo 1:12). Sinasabi niya, “Naipangako ko ng lubusan ang aking buhay sa katapatan ng Panginoon. Mamatay o mabuhay, ako ay sa kanya.” At hinimok niya ang nakababatang si Timoteo na gawin ding batayan ang mga aral na itinuro sa kanya: “Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo-Hesus” (1:13).