Lunes, Abril 12, 2010

ANG DAAN PATUNGO SA TAAS

May nakilala akong mga dakilang Kristiyano na nakaranas ng mga madilim at malalim na pagsubok na halos wala nang kabuluhan pa ang mabuhay. Sa kanyang pinakamadilim na sandali. Natuklasan ni Jeremias ang isang maluwalhating katotohanan na nagdala ng bagong pag-asa at katiyakan sa kanyang isipan. Ito ay isang bagay na alam na niya na sa Diyos, ngunit hindi nasagi ang kanyang kaluluwa hanggang sa marating niya ang katapusan ng sarili niya. Natuklasan niya sa pinakamalalim. Nandoon ang Diyos! Habang lalo siyang lumalayo, ay lalong higit pa ang natutuklasan tungkol sa Diyos. Hindi dapat matuklasan ang Diyos doon sa taas sa isang kamangha-manghang maaliwalas na kalangitan, kundi sa anino ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Nang si Jeremias ay bumagsak sa kailaliman, nakabanggan niya ang Diyos! Malakas ang pagkakabagsak niya laban sa katapatan ng maawaing Diyos. Makinig sa kanyang natuklasan:

“Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat” (Mga Panaghoy 3:22-23).

Unti-unti, napag-alaman ni Jeremias na ang dakilang katotohanan ay maari lamang matuklasan ng mga tapong bagsak na.

1. “Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot” (Mga Panaghoy 3:54-57).

2. “Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap” (Mga Panaghoy 3:44,59).

3. “Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan” (Ang Panaghoy 3:32).

4. “Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa” (Ang Panaghoy 3:34).

5. “Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginooon” (Ang Panaghoy 3:35-36).

6. “Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat” (Ang Pangahoy 3:22-23)

7. “Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon” (Ang Panaghoy 3:25-26).

8. “Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit” (Ang Panaghoy 3:40-41).

9. “At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos” (Ang Panaghoy 3:18, 20-22).