Martes, Abril 20, 2010

MAGLAKAD BILANG ISANG BAGONG NILALANG

Alam mo kung ano ang kuwento. Isang nakababatang lalaki ang kinuha ang bahagi ng kanyang mamanahin sa ama at nilustay ito sa isang magulong pamumuhay. Sa huli ay nalupog siya, nasira ang kalusugan at espiritu, at sa pinakamababang punto ng kanyang buhay siya’y bumalik sa ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20).

Itala na walang humadlang sa kapatawaran ng ama sa anak. Walang kailangang gawin ang batang ito---kahit hindi niya ikumpisal ang kanyang mga kasalanan---sapagkat ang ama ay naitakda na ang pakikipagkasundo. Sa katunayan, nangyari ang lahat dahilan sa sariling plano ng ama; nang siya’y matanawan ng ama na palapit patakbo siyang sinalubong at agad siyang niyakap. Ang katotohanan ay, ang kapatawaran ay hindi naging suliranin sa isang mapagmahal na ama. Kahalintulad, hindi naging suliranin ng ating Amang nasa langit kapag nakita niya ang isang nagsisising anak.

Kaya ang pagpapatawad ay hindi usapin sa parabolang ito. Sa katunayan, niliwanag ni Hesus na hindi sapat para sa alibughang anak na ito na mapatawad lamang. Hindi niyakap ng ama ang anak upang patawarin lamang at hayaang humayo siya sa kanyang kagustuhan. Hindi, ang amang yaon ay nagnais ng higit pa sa panunumbalik ng anak. Ninais niyang makasama ang anak, ang kanyang presensiya, ang kanyang pakikisama.

Kahit na napatawad na ang alibughang anak at muling tinangkilik, hindi pa rin siya mapalagay sa tahanan ng ama. Masisiyahan lamang ang ama, ang kanyang kagalakan ay magiging sapat kapag ang kanyang anak ay muling makakasama. Iyan ang usapin sa parabolang ito.

Dito ang kuwento ay naging kawili-wili. Ang anak ay hindi mapalagay sa kapatawaran ng kanyang ama. Iyan ang dahilan kaya atubili siyang pumasok sa tahanan ng ama. SInabi niya na may kakanyahan, “Kung nalalaman mo lamang kung ano ang ginawa ko, lahat ng marumi, hindi makadiyos na mga gawain. Nagkasala ako laban sa Diyos at laban sa iyong pag-ibig at pagpapala. Hindi ako karapat-dapat sa iyong pag-ibig. Nasa iyo ang lahat ng karapatan na itakwil ako.”

Itala kung paano tumugon ang ama sa anak. Hindi siya bumanggit ng anumang salitang may paninisi. Walang basehan ang ginawa ng alibughang anak, walang binanggit tungkol sa kayang pagrerebelde, sa kanyang kalokohan, sa kanyang mabisyong pamumuhay, sa kanyang pagkabangkaroteng-espirituwal. Sa katunayan, hindi binigyang-pansin ng ama ang pagsubok na tumigil sa labas, di-karapatdapat. Binale-wala niya lahat ang mga ito! Bakit?

Sa mga mata ng ama, ang dating anak ay patay na. Ang anak ay lubusang nawala sa kaisipan. Ngayon, sa mga mata ng ama, ang anak na bumalik ay bagong nilalang. Ang kanyang nakaraan ay hindi na muling pag-uusapan pa. Sinasabi ng ama, “Para sa akin ang dating ikay ay patay na. Ngayon, lumakad kang kasama ko bilang bagong nilalang. Hindi mo na kailangang mamuhay sa ilalim ng pagsisisi. Ang suliranin tungkol sa kasalanan ay naisaayos na . Ngayon, lakasan mo ang loob mo at lumapit ka sa aking presensiya at makisalo sa aking kahabagan at pagpapala.”