Sabado, Abril 17, 2010

ISANG ESPESYAL NA PAHAYAG PARA SA ISANG HALOS SUSUKO NA

Ngayon , ako ay nahikayat na magsalita sa mga nadadala ng emosyon at matalinong napayuko ng dalahin na lubhang mabigat para makayanan.

Ang mga pangako ng Diyos ay mukhang hindi gumagana para sa iyo at sa iyong pamilya. Sinubukan mong malugod ang Diyos, nanalangin ka – tunay na iniibig mo Siya – ngunit ngayon ay nasa dulo ka na ng iyong lakas at kakayanan.

Ang iyong mga pagsubok ay nadaragdagan pa habang pinanghahawakan mo ang iyong pananampalataya. Para sa iyo ay mukhang nananahimik ang Diyos.

MINAMAHAL, HINDI KA NAG-IISA. Marami sa mga tao na makaDiyos ay dumaranas ng mga pagdurusa ng katulad mo at si Satanas ay bumubulong – ang Salita ng Diyos ay walang katotohanan! Alam natin na ang nagsasalita ay ang mamumuksa. Huwag matakot sa kapangyarihan ng impiyerno.

Tingnan ang Job 19 – basahin ang buong kabanata. Sinabi ni Job “..humingi ng katarungan ngunit hindi pinakinggan… Binalot ng kadiliman ang landas kong lakaran…Sa magkabi-kabila ako’y kanyang hinahampas…Sa akin ang turing niya ay isang kaaway, isang sukab…” (19:7-11).

Sa gitna ng pag-atake ni Satanas – tumangis si Job- “Alam ko na hindi natutulog ang aking Tagapagligtas, na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas…Ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay naagnas. Siya’y aking mamamasdan, at mukhang makikita ng sariling mga mata at di ng sinumang iba…” (19:25-27)

Sinabi ng Diyos “Nakiisa sa mga diyus-diyusan ang Efraim; pabayaan mo siya” Oseas 4:17) walang pagsubok, walang paglilitis para sa tribong iyon. Ngunit ikaw ay hindi naniniwala sa mga diyus-diyusan. Ikaw pa rin ang natatangi sa kanyang mga paningin. Nakikita ng Diyos sa iyo ang isang karapat-dapat na bigyan ng pansin.

Kinakastigo ng Diyos yaong mga iniibig niya. Hindi ito nakatutuwa at ito ay nakakasakit – ngunit ito ang Ama na nagliligtas sa atin para kanyang sariling kaluwalhatian na ipahahayag nang una sa panahon.

Hindi ka niya inibig ng higit pa kaysa ngayon. Ilagay sa puso – ang Diyos ay patuloy na nangungusap sa iyo.