Miyerkules, Abril 7, 2010

LUBOS NIYANG NAUUNAWAAN

“Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan” (Hebreo 4:15-16).

Maginhawa ang damdamin ko na malamang nauunawaan ng aking Tagapagligtas ang aking damdamin. Nauunawan niya ang lahat ng aking nararanasan. Tunay niyang nauunawaan ang bawat damdamin at hindi niya ako isinusumpa ang sa pagdaranas ko ng pag-atake ng kalaban sa akin. Sa halip, sinasabi niya sa akin na magpakatatag ako, at huwag matakot. Ipinaalam niya rin sa akin na siya man ay sanay na sa ganitong pagdurusa. At pagkatapos ay inalok niya ako ng maluwalhating pagkakataon sa kanyang trono, na may pangako ng pagkahabag at grasya sa sandali ng aking mga pangangailangan. Kung ang akin mang negatibong damdamin ay bunga ng pisikal o espirituwal na pakikipaglaban, ang ating Panginoon ay nag-aalok ng ginhawa at tulong kapag higit na kailangan.

Ano ang ibig ipakahulugan ng Panginoon dito? Hinihikayat niya ang lahat ng kanyang mga anak na tigilan na ang mag-alala kapag nasa ilalaim ng negatibong pag-iisip. Tigilan na ang pag-aakusa sa sarili ng kabiguan at pagiging makasalanan. Ang kawalan ng pag-asa at takot ay maaring bunga ng kasalanan—ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Kayat huwag basta hayaang tanggapin na lamang ito. Huwag matutulog sa gabi hanggang hindi ka nakikipag-isa sa kanya, lumapit sda kanyang trono ng buo ang loob, at angkinin ang kahabagan at tulong na kanyang ipinangako. Angkinin ang kahabagan, kapatawaran, at grasya para maiwaksi ang lahat ng negatibong damdamin. Iyan ang pormula ni Cristo, hindi akin.

Sa pag-angkin ng tagumpay, at sa paggamit ng kapangyarihan ng kanyang pangalan, at sa paglapit sa kanya ng may panananampalataya para mapanghawakan ang kapatawaran at mga pangako, sakyan ang iyong bagyo na may kapahingahan! Hayaan ang Diyos na pawiin ang mga negatibong damdamin ayon sa kanyang panahon.

“… nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako” (Hebreo 6:15).

“… pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan” (Awit 30:5).

Maari kang matulog na kasama ang panalanging ito sa iyong mga labi: “O, Panginoon, iwinawaksi ko ang mga negatibong damdamin na ito. Hindi ko ito tinatanggap. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling o kung paano, ngunit ipinauubaya ko ang mga ikto sa iyo. Bigyan mo ako ng bagong katiyakan at tanggalin mo ang lahat ng takot. Amen!”

“Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso” (Hebreo 2:18).