Lunes, Abril 5, 2010

ANG DAMDAMIN, ANG MENSAHERO NI SATANAS

Ako ay nagagalak ang damdamin ko ay walang halaga. Higit pa akong nagpapasalamat hindi nito naaapektuhan ang aking kaligtasan o ang aking relasyon sa Panginoon. Kapag dumating ang kalaban katulad ng rumaragasang baha, nagpipilit na lunurin ako sa nakapanlulumong damdamin at negatibong pag-iisip, mayroon akong ugali na sisihin ang aking sarili. Sinasabi ko sa aking puso, “Bakit bagsak na ako, o kaluluwa ko? Bakit biglaan na lang nanahimik ang espiritu ko? Bakit ako hindi mapalagay at iritable—kahit ayaw kong magkaganito? Ano ang masamang nagawa ko para maranasan ko ang negatibo, nakapanglulumong damdaming ito?

Ang negatibo, bagsak na damdamin ay hindi nanggaling sa Diyos kaya hindi ako dapat magpadala sa mga ito!

“Ibig nilang maging mga guro ng kautusan ngunit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang sinasabi” (2 Timoteo 1:7).

Maari kong pigilan ang bawat negatibong damdamin sapagkat alam ko na wala isa man sa mga ito ay galing sa Diyos. Damdamin na nagbibigay takot na ang mga ito hindi galing sa langit, ang mga ito ay mensahero na galing sa balon ng impiyerno! Ang mga ito ay dapat pigilan at itali sa pamamagitan ng panalangin at pananampalataya.

Sinasabi ng Diyos sa atin na, “Hindi ko ibinigay ang damdamin ng takot at pagdududa. Sa halip, bibigyan ko kayo ng espiritu ng pag-ibig, lakas at kapangyarihan.” Tinawag niya tayo para iwaksi ang mga hindi kailangang pag-iisip na ito, na dalhin ang mga ito sa pagkakakulong at pagsunod sa sarili nito. Hinahamon natin ang ating sarili na hindi payagan ang ganitong uri ng damdamin na madaig tayo. Hinahamon natin na hindi natin payagan na manatili at lumago itong parang ugat ng kapaitan at pagdududa. Kailangan harapin natin sila sa pangalan ni Cristo na ating Panginoon at iwaksi ang mga ito. Tayo ay inuutusan na gawin ito!

“Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo” (2 Corinto 10:5).

Ang bagsak na damdamin ay bunga makasatanas na binhi ng kawalan ng pagtitiwala. Ito ang matandang ahas na kumikilos, nagpupumilit na tanungin natin ang katapatan ng Diyos. Tanungin ang pangangalaga ng Diyos, ang tanungin ang Diyos! Ang mga kasinungalingang ito ay binhi ng negatibong damdamin at inutusan tayo ng Diyos na makipagdigma sa mga ito.