“Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan” (Juan 12:25).
Ang susi sa masaganang buhay ay nandito sa animoy walang halaga at nakalilitong pahayag. Ito ang kanyang hamon sa ating maliit na mundo! Ang maunawaan ang kung ano ang ibig niyang sabihin dito ay ang pintuan para sa isang buhay-nagbibigay pahayag. Sinabi ni Jesus: “Hindi maaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, nga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin” (Lucas 14:26).
Tiyak na hindi ibig sabihin ni Cristo na ang pagkamuhi ay mangangahulugan ng literal na pagkaunawa: na magsawa o mamuhi; umayaw o tumanggi. Sinabi ng Salita ng Diyos, “Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa” (Colosas 3:19).
Hindi ang buhay ang dapat kamuhian, sapagkat ang buhay ay isang handog galing sa Diyos. Hindi ang tao ang ating kinamumuhian; iyan ay hindi nakasulat sa Kasulatan.
Kailangan natin matutunan na kamuhian kung paano natin ipinamumuhay ang buhay. Kailangang kamuhian natin kung ano ang pinagkakaabalahan natin sa ating mga pamilya at kung ano ang ginawa sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Ang iyo bang buhay ay umiikot lamang sa iyong mga anak, asawa, o mga magulang? Ang lahat ba ng iyong mga kagalakan at nga suliranin ay nakapaloob lamang sa maliit na bilog na ito?
Tinatawag tayo ng diyos para lawakan natin ang ating ginagalawan. Ang buhay ay higit pa sa mga bayarin, pag-aaral ng mga bata, kagalingan ng mga magulang, relasyon sa pamilya. Si Martha ay nalulong sa buhay na walang kabuluhan ngunit nais niyang lumago! Nais ni Maria na lawakan ang kanyang ginagalawan—at pinayagan ni Jesus ang paraan ni Maria ng pagharap sa buhay.
Hindi ka lalago hanggang hindi mo kinamumuhian ang iyong pangkasalukuyang kahilawan. Hindi mo kailangan pabayaan ang iyong tungkulin at mga obligasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan, ngunit maaring ikaw ay nakatali sa iyong tungkulin kayat hungkag ang iyong paglago. Isang araw kailangang magising ka. Isang banal na pagkamuhi, isang banal na poot, ay kailangang bumangon sa iyong kaluluwa, at kailangang magsumigaw ka, “O Diyos, kinamumuhian ko kung ano ang nangyari sa akin. Kinamumuhian ko ang aking pagkamainitin ng ulo at pagkamaligalig. Kinamumuhian ko ang aking pagiging iritable kadalasan. Kinamumuhian ko ang aking pagiging sumpungin. Kinamumuhian ko kung gaano ako naging kaliit. Kinamumuhian ko ito! Kinamumuhian ko ito! “Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig” (Colosas 1:13).