Kung nanaisin ko na malugod ang tao, hindi ko magagawang maging lingkod ni Kristo. Kung ang puso ko ay nagaganyak para sa kasiyahan ng iba---kung iyan ang takbo ng isipan ko, naiimpluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ko---ang katapatan ko ay mahahati. Palagi ko na lamang pagsisikapan na malugod ang iba maliban kay Hesus.
Ilang taon pagkatapos na mapagbago si Pablo, nagtungo siya sa iglesya ng Jerusalem upang sikapin na mapabilang sa mga disipulo na nandoon. “Ngunit ang mga ito’t takot sa kanya, at hindi makapaniwalang isa na siyang alagad” (Gawa 9:26).
Alam ng mga apostol ang pagkatao ni Pablo bilang mapang-api. “Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una” (Galacia 1:22-23).
Tinulungan ni Barnabas ang mga apostol na maalis ang kanilang takot kay Pablo, at inalok siya ng pagsasamahan. Ngunit nagpasiya si Pablo na gumala sa mga Hentil. Sa katunayan, Si Pablo ay maingat na ipinahayag ang tawag sa kanya ng malinaw. Mula kay Pablo na hinirang na apostol, “hindi ng tao ni sa pamamagitan ng tao, kundi ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Hesus”(1:1).
At madiin pa niyang idinagdag: “Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesus-Kristo ang nagpahayag nito sa akin…hindi ako sumangguni kaninuman” (1:11-12, 16).
Ang sinasabi ni Pablo dito ay nauukol sa lahat na nagnanais na magkaroon ng kaisipan ni Kristo: “Hindi ko kailangan na magbasa ng mga aklat o manghiram ng pamamaraan ng ibang tao upang makuha ang mayroon ako. Natanggap ko ang aking mensahe, ang aking ministeryo at ang paghirang sa akin sa aking pananalangin. Sa Galacia 1:17, ipinunto ni Pablo na, “Ako’y nagtungo sa Arabia.” Sinasabi niya, sa ibang salita: “Hindi ko nakuha ang pahayag ni Kristo mula sa mga banal ng Herusalem. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, sa desyerto, upang magpahayag si Kristo sa akin. Umubos ako ng mahalagang panahon doon, inalis ang sarili, nakikinig at tinuturuan ng Banal na Espiritu.”
Si Pablo ay hindi isang mapagmataas, palalo, nag-iisang mangangaral. Alam natin na siya ay may taglay na puso ng isang lingkod. Inalis niya sa kanyang sarili ang maghangad, at natagpuan ang ganap na kasiyahan kay Kristo.
Kapag ang isipan mo ay nakatutok upang malugod si Kristo, hindi mo na kakailanganin ang palakpak at mapasaya ang mga tao.