Hindi ka nalilimutan ng Diyos! Alam niya kung nasaan ka, anuman ang pinagdadaanan mo sa mga sandaling ito, at binabantayan niya ang bawat hakbang mo sa iyong dinadaanan. Ngunit tayo ay parang mga anak ng Israel na nagduda sa pang-araw-araw na pag-aalaga niya sa para sa kanila, kahit na ang mga propeta ay isinugo para magdala ng mga kamangha-manghang pangako mula sa langit. Nalilimutan natin sa sandali ng ating pangangailangan na tayo ay nasa palad ng Diyos. Sa halip, katulad ng mga anak ng Israel, natatakot tayo na mapasabog natin ito at tayo ay magapi ng mga kaaway.
Maari kayang tayo ay nagpapatuloy sa ating mga pasakit—patuloy na nabubuhay sa pagkagapi at kabiguan—dahil lamang sa ating paniniwala na hindi na sinasagot ng Diyos ang mga panalangin?
Tayo ba ay maysala na katulad ng mga anak ng Israel sa pag-iisip na tayo ay pinabayaan na ng Diyos at tayo ay ibinigay na sa ating mga sariling kathang-isip para malaman ang bagay sa sarili nating pamamaraan? Tunay bang naniniwala tayo na ginusto ng Diyos ng sinabi niya siya ay kikilos sa takdang panahon, bilang sagot sa ating pananalangin ng may pananampalataya? Ipinahiwatig ni Jesus na halos lahat tayo, kahit na tinawag at pinili, ay hindi magtitiwala sa kanya kapag siya ay bumalik na. Ang ilan sa mga tao ng Diyos nawalan na ng tiwala sa kanya. Hindi siya naniniwala, sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, na ang kanilang mga panalangin may halaga pa. Kumikilos sila na para bang nag-iisa na lamang sila.
Maging tapat ngayon na! Ang iyo bang pananampalataya ay nanghihina na sa mga nagdaang araw? Isinuko mo na ba ang ilang mga bagay na taimtim mong ipinalangin? Napagod ka na ba sa paghihintay? Maaring itinaas mo na ang iyong mga kamay sa pagsuko na para bang sinasabi, “Hindi man lang ako makausad. Hindi ko alam kung ano ang mali at bakit ang mga panalangin ko ay hindi sinasagot. May katunayan na tinanggihan na ako ng Diyos.”
Hindi ako tinalikuran ng Diyos—maging ikaw man! Isang libong ulit na hindi! Sa mga sandaling ito ay nais niyang maniwala tayo na inaayos niya ang lahat para sa ating mga kabutihan. (Roma 8:28). Kaya tama na ang alamin pa ito; tigilan na ang pag-aalala; tigilan na ang pagdududa sa iyong Panginoon! Ang sagot ay padating na. Hindi isinara ng Diyos ang kanyang pandinig at aani ka sa tamang panahon kung hindi ka manlulupaypay! ” At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod (Galacia 6:9).