Linggo, Mayo 2, 2010

INIINGATAN NG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN

Kilala ng mga banal sa Lumang Tipan ang Diyos sa paraang tayo na mga banal ng Bagong Tipan ay halos walang nalalaman. Kilala nila siya bilang Diyos na Makapangyarihan! Sa mahigit na 200 ulit sa Lumang Tipan—mula kay Samuel hanggang Malakias—ang Diyos ay binanggit sa kanyang pangalan. Nabasa natin na si “David ay lalong naging dakila sapagkat kasama niya ang Diyos na makapangyarihan.” Ang dakilang titulong ito ay paulit-ulit na natagpuan sa Mga Awit:

• “Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan” (46:7).
• “O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos? Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo'y sadyang lubus-lubos” (89:8).
• “Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos, O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod.
• “Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari” (24:10).

Ang salitang Hebreo para sa “hukbo” ay baah. Ito ay nangangahulugan na “isang hukbo na nakahanda at nakaumang para sa labanan.” Mga kawal, mga kabayo, at mga karwahe na handang sumugod sa digmaan sa takdang panahon; isang hukbo na pinagsamasama at naghihintay lamang ng utos.

Sa isang pagkakataon, ang hukbo ng Asiria ay sumugod laban kay Haring Hesekias at Judah. Ang haring ito ay hindi natinag nang mapalibutan ng mabagsik na hukbo at sinabi niya sa mga tao ng Diyos, “Maging matapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria. Mas malakas ang kapangyarihang nasa panig natin kaysa nasa panig nila. 8 Nasa tao ang kanyang lakas samantalang nasa panig natin ang ating Diyos na si Yahweh. Tutulungan niya tayo at ipaglalaban." Sa sinabing ito ni Haring Ezequias, nabuhayan ng loob ang mga tao” (2 Cronica 32:7-8).

Ang mga banal ng Lumang Tipan ay namahinga sa kanilang pangitain nang makapangyarihang Diyos na ang buong kapangyarihan, hukbong hindi nakikita ay tinipon para sa kanilang proteksyon. Ipinagmalaki ni David, “Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal” (Mga Awit 68:17). Ayon sa mang-aawit, sila ay sumapi para sa amin: “Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat” (121:5).

Hindi natin iniingatan ang ating mga sarili laban sa mga masasama sa pamamagitan ng ating mga sariling kapangyarihan; hindi tayo nakikipaglaban kay Satanas sa pamamagitan ng ating sariling lakas. Ang Diyos na makapangyarihan ang mag-iingat para sa atin. Pakinggan ang ipinapahayag ng Bibliya: “Mula sa kalangitan, itong Panginoon, sa malalim na tubig, ako'y iniahon. 17 Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko kayang labanan”(Mga Awit 16-17).

Sa aklat ni Judas, tayo ay pinangakuan. “Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian” (Judas 24).