Miyerkules, Mayo 19, 2010

TINULUNGAN TAYO NG DIYOS PARA HINDI TAYO DUMAING AT MAGREKLAMO

Ito ang aking pang-araw-araw na panalangin ngayon. Habang lumalaganap ang takot at ang pag-aalanganin, manalangin tayo na ipakita sa atin ng Espiritu Santo na ang pagdaing at pagrereklamo ay hudyat ng kawalan ng pasensya at kawalan ng pananalig sa ating tapat na Panginoon.

Sa Exodo 17, tinawag ni Moses ang pagdaing na “tinutukso ang Diyos.” Ang mga anak ng Israel ay nasa Rephidim at doon ay walang tubig na mainom. Ang kawalan ng pananalig at pagdududa ay kumalat sa buong kampo! Nalimutan na ng mga tao ang mga nakalipas na pagkakaligtas mula sa pagdurusa at nagsimula na namang magduda na ang Diyos ay kasama nila. Tumangis sila, “Yahweh, bakit dinala mo kami palabas ng Egipto? Bakit hindi mo na lamang kami hinayaang mamatay doon sa halip na dalhin sa lugar na ito para patayin?”

Handa na silang pamatuhin si Moses. Sa habag, binigyan sila ng Diyos ng tubig mula sa bukal na nanggaling sa bato, ngunit ginawa ng Panginoon na tawagin nila itong Massah at Meribah—pagdaing at pagrereklamo. Ito ay isang lugar sa Israel na hindi maaring malimutan.

Nadama naming na may karapatan kaming dumaing at magreklamo sapagkat ang amimg partikular na dinaranas na kirot ay lubhang masakit, labis na paghihirap. May panahon na ako ay nagkasala dito sa panunukso sa Diyos, ngunit sa aking paulit-ulit na pagbabasa ng Exodo 17, isang nakasisindak na takot sa Panginoon ang bumalot sa aking kaluluwa—“Seryosong pinagtuunan ito ng Diyos.”

Iniligtas niya kami sa napakaraming pagkakataon sa mga nakalipas na panahon at napatunayan niya ang kanyang katapatan sa amin sa bawat pagkakataon. Ang tanong ay, kailan talaga kami tapat na magtititwala sa kanya? Kailan talaga kami lubos na magtitiwala sa kanyang mga pangako na pangangalagaan kami, iibigin kami, bilang isang Ama, isang tagakupkop? Kailangan namin ang Espiritu Santo para tulungan kami.

Nakikiusap ako sa inyo, huwag na kayong dumaing o magreklamo, sapagkat para doon sa mga matatag na pinanghahawakan ang pananampalataya, ang taong iyon ay pagpapalain. O Diyos tulungan mo ako na ilagay ko ito sa puso para sa mga darating pang mga pagsubok. Magagawa natin ang lahat sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa atin.

Kung alam mo kung paano lahat ito magtatapos para sa kaluwalhatian ng Diyos, maari ka nang magpahinga sa kanyang mga Salita.