Kapag ang kagipitan ay dumating, wala ka nang panahon na makapaghanda sa pananalangin at pananampalataya. Ngunit yaong mga nakasama si Jesus ay laging handa.
Isang mag-asawa ang sumulat sa amin kamakailan sa espiritu na nagpahayag na nakasama nila si Jesus. Ang kanilang anak na nasa edad na 24 ay kasamang nasa galaan ng kanyang kaibigan nang dukutin sila ng isang sira-ulo. At pagkatapos ay karumal-dumal silang pinatay.
Ang mag-asawa ay nasa pagkabigla. Nagtataka ang kanilang mga kaibigan at mga kapitbahay, “Paano malalampasan ng sinumang magulang ang ganitong uri ng trahedya? Gayunman, sa loob ng isang oras, ang Espiritu Santo ay dumating sa nagdadalamhating mag-asawa, may dalang sobrenatural na kaaliwan. Gayunman, sa mga sumunod na masasakit na mga araw, yaong nagdadalamhating magulang ay patuloy na nagtatanong sa Diyos kung bakit. Ganunpaman, nararanasan nila ang banal na kapahingahan at kapayapaan.
Ang lahat na nakakakilala sa mga magulang na ito ay namangha sa kanilang pagiging panatag, ngunit ang mag-asawang iyon ay nakahanda sa sandali ng kanilang kagipitan. Alam nila noon pa na hindi hahayaan ng Diyos ang may mangyaring ganoon ng walang kaagapay na layunin. At nang dumating ang masakit na balitang iyon, hindi sila bumagsak.
Sa katunayan, ang mga magulang na ito at ang mga nabubuhay na apo ay nagsimulang ipanalangin ang pumatay. Ang mga tao sa kanilang bayan ay hindi matanggap ito. Ngunit ang makaDiyos na mag-asawa ay nagsalita at nagturo ng kakayahan ng Diyos na magbigay ng lakas, anuman ang maari nilang harapin. Nakita ng mga taong bayan ang kanilang lakas ay nanggagaling lamang mula kay Jesus. Di nagtagal sinasabi nila tungkol sa mag-asawa, “Sila ay himala. Sila ang mga tunay na tao ni Jesus.”
“Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan; di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok ay mabuwal; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal” (Awit46:1-3).