Biyernes, Abril 10, 2009

ANG DAAN PATUNGO SA PAGSUKO

Sinisimulan ng Diyos ang pamamaraan ng pagsuko sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa atin mula sa matayog nating kinalalagyan. Ito ang mistulang nangyari kay Saulo. Siya ay nasa kanyang sinusunod na sariling pamamaraan, nakasakay patungo sa Damascus, nang may nakabubulag na liwanag ang nanggaling sa langit. Si Saulo ay nasapasubasob sa lupa, nanginginig. At pagkatapos ay may tinig na nanggaling mula sa langit sinasabing, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” (Gawa 9:4).

 

Alam ni Saulo na may nawawala sa kanyang buhay. Mayroon siyang kaalaman tungkol sa Diyos, ngunit walang nangungunang pahayag. Ngayon nakaluhod, narinig niya ang tinig na ito mula sa langit: “Ako si Jesus, ang iyong inuusig” (9:5). Ang mga salitang iyon ang nagpabaliktad sa mundo ni Saulo. Sinabi ng Kasulatan, “Tumindig ka’t pumasok sa lunsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin” (9:6). Ang pagbabagong-loob ni Saulo ay isang madamdaming gawain ng Espiritu Santo.

 

Si Saulo ay inakay ng Espiritu Santo sa pagsuko ng buhay. Itinanong niya, “Panginoon, ano ang nais mong gawin ko? At ang kanyang puso ay tumatangis, “Jesus, paano kita mapaglilingkuran? Paano kita makikilala at malulugod? Wala nang ibang makabuluhan pa. Lahat ng ginawa ko sa buhay ko ay isang dumi ng hayop. Ikaw na ang lahat sa akin ngayon.

 

Wala nang ibang ambisyon pa si Saulo, wala nang ibang nagtutulak sa buhay niya, ng higit pa dito: “Makamtam ko lamang si Cristo” (Filipos 3:8). Sa panahon ngayon ng pamantayan ng tagumpay, si Saulo ay ganap na bigo. Hindi siya gumawa ng mga gusali. Wala siyang organisasyon. At ang pamamaraan na ginawa niya ay kinamuhian ng ibang mga pinuno. Katunayan, ang mensahe na ipinangaral niya ay hindi nagustuhan ng maraming nakikinig sa kanya. Minsan siya ay pinamato habang nangangaral. Ang kanyang paksa? Ang krus.

 

Kapag tayo ay humarap sa Diyos sa paghahatol, hindi tayo hahatulan ng ating mga ministeryo, mga nagawa o sa dami ng bilang ng ating mga napagbago. Mayroong isa lamang pamantayan ng tagumpay sa araw na iyon: Ang ating bang mga puso ay lubusang isinuko sa Diyos? Binitiwan ba natin ang ating sariling kagustuhan at mga balakin at tinanggap ang kanya? Tayo ba’y sumuko dahilan sa tayo ay napilitan at sumama lamang sa marami, o tayo ba’y naghanap sa kanya na mag-isa para sa kanyang gabay? Tayo ba’y sumali sa maraming pagpupulong para hanapin ang layunin sa ating mga buhay, o natagpuan ba natin ang kaganapan sa kanya?

 

Mayroon akong tanging hangarin at iyon ay ang patuloy na matutunan lamang ang mga ibinibigay ng Ama sa akin? Walang anumang sasabihin ko o gagawin para sa sarili ko ay may kabuluhan. Nais kong makamit, “Alam ko na ang aking Ama ay kasama ko, sapagkat sinusunod ko lamang ang kanyang kalooban.”