Ang kasiyahang-loob ay isang malaking pagsubok sa buhay ni Saulo. Sa huli, sinabi sa kanya ng Panginoon na gagamitin siya ng lubusan: “Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel” (Gawa 9:15). Nang unang matanggap ni Saulo ang utos na ito, “Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Jesus” (9:20).
Si Saulo ay hindi nagmamadali na makitang ang lahat ay natupad niya sa kanyang buong buhay. Alam niya na mayroon siyang di-mababaling pangako mula sa Diyos, habang pinanghahawakan niya ito. At sa kasalukuyang sandali, Masaya na siyang makapangaral nasaan man siya: nangangaral sa bantay sa bilangguan, sa mga manlalayag, sa ilang mga kababaihan sa tabi ng ilog. Ang lalaking ito ay may tungkuling pansalibutan, gayunman siya ay tapat na magpatotoo ng paisa-isa.
O si Saulo ay naninibugho sa mga nakababatang lalaki na dinadaan-daanan lamang siya. Habang sila ay naglalakbay sa sanlibutan para mahimok ang mga Hudyo at mga Hentil para kay Cristo, si Saulo ay naupo sa bilangguan. Kailangan niyang makinig sa mga ulat tungkol sa maraming tao na napagbago ng mga lalaking nakatunggali niya tungkol sa mabuting balita ng grasya. Gayunman, hindi kinainggitan ni Pablo ang mga lalaking iyon. Sapagkat alam niya na ang taong sumuko kay Cristo ay alam kung paano magpakababa pati na ang managana: “Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao’y marunong masiyahan…kaya dapat na tayong masiyahan kung tayo’y may kinakain at dinaramit” (1 Timoteo 6:6-8).
And sanlibutan ngayon ay maaring sabihin kay Saulo, “Ikaw ay nasa dulo na ng pamumuhay mo ngayon. Gayunman wala kang naipon, walang mga pamumuhunan. Ang mayroon ka lamang ay pampalit ng damit.” Alam ko kung ano ang maaring isagot ni Saulo: “Oo nga, ngunit nakamit ko si Cristo. Sasabihin ko sa iyo, ako ang nagwagi. Natagpuan ko ang perlas ng dakilang premyo. Ibinigay sa akin ni Cristo ang kapangyarihan na iwan ang lahat, at humayong mag-isa. At iniwan ko ang lahat, at ngayon may koronang naghihintay sa akin. Isa lamang ang hangarin ko sa buhay na ito: ang makita ang Jesus ko,ng harapan. Ang lahat ng pagdurusa ng panahon ngayon ay hindi maaring ihambing sa kagalakang naghihintay sa akin.”