Martes, Abril 7, 2009

ANG DIYOS AY KASAMA NILA

“Nagtaka ang mga bumubuo ng Sanedrin sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nag-aral. Napagkilala silang sila’y kasamahan ni Jesus noong nabubuhay pa” (Gawa 4:13).

 

Nakita natin sa Gawa 4 habang nakatayong naghihintay sina Pedro at Juan na ihayag ang hatol, ang lalaki na kagagaling lamang ay tumayo na kasama nila. Doon, sa laman at dugo, ay isang buhay na patotoo na sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus. Ngayon, habang ang mga punong saserdote ay nakatingin, “At nang makita nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi ng dalawa, wala silang masabi laban sa kanila” (Gawa 4:14).

 

Ano ang ginawa nina Pedro at Juan ng sila ay pinalaya? “Nang mapalaya na sina Pedro at Juan, sila’y nagpunta sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan” (Gawa 4:23). Ang mga banal ng Jerusalem ay nagsaya kasama ng dalawa. At sila’y nanalangin, “At ngayon Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan mo ang iyong mga alipin na maipangaral ng buong tapang ang iyong Salita. Iunat mo ang iyong mga kamay upang magpagaling, at loobin mo na sa pangalan ng iyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga kababalaghan” (Gawa 4:29_30). Nananalangin sila, “O Diyos namin, salamat sa katapangan na ibinigay mo sa aming mga kapatid. Ngunit alam namin na ito ay simula pa lamang. Nakikiusap kami, na panatilihin mo kaming matapang na makapagsalita nang may banal na katiyakan. At magbigay ka ng nakikitang patotoo na ikaw ay kasama namin.”

 

Walang kaduda-duda, nakita nina Pedro at Juan ang itsura ng mga mukha ng mga punong saserdote nang mapatunayan nilang nakasama nila si Jesus.

 

Iyan ang nangyayari sa mga lalaki at babae na gumugol ng panahon kasama si Jesus. Kapag sila’y umalis, kasama nila si Cristo saan man sila magpunta.