Huwebes, Abril 23, 2009

INIIBIG PA RIN NG ATING PASTOL ANG MGA NALILIGAW

Iniibig ng ating dakilang pastol ang bawat tupa na naligaw dahilan sa mga pagsubok, kapighatian at karamdaman. Hindi natin sinubok na pagbintangan ang ating pastol ng pang-iiwan sa atin. Nananatili siyang naglalakad katabi natin at nagbabantay sa atin sa lahat ng sandali.

 

Sa mga sandaling ito maaring nakikipaglaban ka sa isang nagagaping pakikipagdigma sa isang uri ng tukso. Anuman ang pinaglalabanan mo, tiniyak mo na hindi ka lalayo sa Panginoon. Ayaw mong sumuko laban sa pagkakahawak ng kasalanan. Sa halip, tinanggap mo ang Salita ng Diyos sa puso.

 

Gayunman, katulad ni David, ikaw ay pagod na. At ngayon ikaw ay dumating na sa katayuang nararamdamang mong wala ka nang pag-asa. Binabaha ka ng kaaway ng kawalan ng pag-asa, takot, kasinungalingan.

 

Ang iyong pagsubok ay maaring naging lalong mahiwaga at hindi maipaliwanag. Ngunit nais kong malaman mo—anuman ang pinagdadaanan mo, nais ng Espiritu Santo na ipahayag sa iyo si Jehova Rohi, si Yahweh ang inyong Panginoon. Mayroon kang pastol na gustong itatak ang kanyang pag-ibig sa puso mo.

 

Tiniyak ni Jesus sa atin, “Hindi kita iiwan o pababayaan man.” At ang ating Amang nasa langit—Jehova Rohi, si Yahweh ang ating pastol—ay ipinahayag sa atin ang sarili niya sa Awit 23. Sinasabi niya sa atin, “Kilala kita sa pangalan mo, at alam ko ang pinagdadaanan mo. Halika, humiga ka sa grasya at sa pag-ibig ko. Huwag mong subuking sarilinin ang lahat. Tanggapin mo lamang ang pag-ibig ko sa iyo. At magpahinga sa mapagmahal kong mga bisig. Oo, ako ang Panginoon ng punong-abala. Ako ang makapagyarihan at banal na Diyos. Nais kong malaman mo ang lahat ng pahayag na ito tungkol sa akin. Ngunit ang isang pahayag na nais ko na magkaroon ka ngayon din ay ang pahayag tungkol kay Jehovah Rohi. Nais kong makilala mo ako bilang iyong mapagmahal, mapag-alagang pastol. At nais kong tiyakin sa iyo na ililigtas kita sa lahat ng iyong mga pagsubok, sa aking pagiging magiliw at pag-ibig.”