“Sumuko.” Ano ang sinasabi sa iyo ng salitang ito? Sa likas na katawagan, ang sumuko ay nangangahulgan “na ipagkaloob ang isang bagay sa ibang tao.” Ito ay nangangahulugan din na iwan ang isang bagay na ibinigay sa iyo. Maaring kasama nito ang iyong mga ari-arian, kapangyarihan, hangarin, maging ang iyong buhay.
Ang mga Kristiyano sa ngayon ay maraming naririnig tungkol sa buhay na isinuko. Ngunit ano talaga ang tunay na kahulugan nito? Ang buhay na isinuko ay ang pagbabalik kay Jesus ng buhay na ipinagkaloob niya sa iyo. Ito’y ang pagbitaw sa pamamahala, karapatan, kapangyarihan, patutunguhan, lahat ng iyong gagawin at sasabihin. Ito ay ganap at lubusang pagsuko ng iyong buhay sa kanyang mga kamay, na gawin anuman ang kalooban niya.
Maging si Jesus ay namuhay sa isinukong buhay: “Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin” (Juan 6:38). “Hindi ako naghahanap ng aking kapurihan” (8:50). Si Cristo ay hindi kumilos para sa sarili lamang niya. Hindi siya kumilos at hindi nagsalita nang walang utos mula sa Ama. “Wala akong ginagawa sa ganang sarili ko lamang; nagsasalita ako ayon sa itinuro sa akin ng Ama…sapagkat lagi kong ginagawa ang nakalulugod sa kanya” (8:28-29).
Ang ganap na pagsuko ni Jesus sa Ama ay isang halimbawa kung paano dapat mamuhay. Maari mong sabihin, “Si Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao. Ang kanyang buhay ay isinuko na bago pa man siya bumaba sa lupa.” Ngunit ang isinukong buhay ay hindi ipinapataw kaninuman, kasama na si Jesus.
“Dahil dito’y minamahal ako ng Ama, sapagkat inialay ko ang aking buhay, upang ito’y kunin kong muli. Walang makakukuha nito sa akin; kusa ko itong ibinigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama” (Juan 10:17-18).
Sinasabi ni Jesus sa atin, “Huwag magkamali. Ang pagsuko ng sarili ay ganap na nasa aking kapangyarihan para gawin. Pinili ko na ibigay ang buhay ko. At hindi ko ginagawa ito dahil lamang na may isang lalaking nagsabi sa akin nito. Walang sinumang maaring kumuha ng buhay ko. Binigyan ako ng aking Ama ng karapatan na ibigay ang buhay ko. Binigyan niya rin ako ng pagpipilian na palampasin ang kopang ito at maiwasan ang krus. Nguit pinili kong gawin ito, ng dahil sa pag-ibig at lubusang pagsuko sa kanya.
Ang ating Amang nasa langit ay binigyan tayong lahat ng ganitong karapatan: ang karapatan na mamili at muling ibigay ang ating buhay sa kanya. Malayang inialok niya sa atin ang Lupang Pangako, puno ng gatas, pulut-pukyutan at prutas. Ngunit maari nating piliin na huwag pumasok sa lugar ng kapunuan.
Ang katunayan ay, maari tayong magkaroon ng higit kay Cristo kung gusto natin. Maari tayong magpakalalim sa kanya kung pipiliin natin, mamuhay ng may kapunuan sa kanyang salita at gabay.