Biyernes, Abril 3, 2009

ANG MGA LALAKING ITO AY NAKASAMA SI JESUS

Sa Gawa 3, nakita natin si Pedro at Juan papunta sa templo para sumamba. Sa labas ng tarangkahan ng templo ay may nakaupong isang pulubi na lumpo mula pa nang ipinanganak siya. Ang lalaking ito ay hindi pa nakalakad sa buong buhay niya. Nang makita niya si Pedro at Juan, humingi siya ng limos. Sinagot siya ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, subali’t may iba akong ibibigay sa iyo” (Gawa 3:6). Pagkatapos ay ipinanalangin ni Pedro ang pulubi, sinabi na, “Sa ngalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, lumakad ka” (3:6). Pagdaka’y, ang lalaki ay gumaling! Masayang-masaya siyang paluksu-lukso at nagsimulang lumakad at sumisigaw, “Pinagaling ako ni Jesus!”

 

Ang lahat na nasa templo ay namangha sa nakita sapagkat kilala nila ang lalaki bilang isang lumpo. Nang makita ni Pedro at Juan na ang mga tao ay nag-iipon-ipon na, nagsimula silang ipangaral si Cristo. Libu-libo ang naligtas. Gayunman, habang si Pedro at Juan ay nangangaral, ang mga saserdote “ay lumapit sa kanila, galit na galit” (Gawa 4:1-2). Ang kapitan ng mga bantay sa templo at ang mga Saduseo ay nagtanong sa mga disipulo, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan niyo  ginagawa ang mga bagay na ito?” (4:7). Si Pedro ay puspos ng Epiritu Santo. Sinagot niya ang mga pinuno, “Ang pangalan niya ay si Jesu-Cristo ng Nazaret, na inyong ipinako sa krus tatlong linggo na ang nakararaan. Muli siyang binuhay ng Diyos. At ngayon siya ang kapangyarihan na nagpagaling sa lalaking ito. Walang sinumang maliligtas sa pamamagitan ng ibang pangalan. Maliligaw kayo kapag hindi kayo tumawag sa pangalan ni Cristo” (tingnan 4:10-12).

 

Gulat na napaupo ang mga pinuno. Sinabi ng Kasulatan, “Nagtaka ang mga bumubuo ng Sanedrin sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nag-aral” (4:13). Ang pariralang  nang mabatid nila  ay nagmula sa salitang-ugat na may kahulugang “nakilala sa pamamagitan ng tanging pagkakakilanlan.”

 

Ano ang tanging pagkakakilanlan ito nina Pedro at Juan? Ito ang presensiya ni Jesus. Mayroon silang pagkakawangis kay Cristo at sa Espiritu.

 

Yaong mga gumugol ng panahon kasama si Jesus ay hindi nakuha ang kaganapan niya. Ang kanilang mga puso ay tumatangis na higit pang makilala ang Panginoon, higit na mapalapit sa kanya, lumago sa karunungan ng kanyang mga gawi. Ipinahayag ni Pablo, “At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Efeso 4:7; tingnan din ang Roma 12:3). Ano ang panukatan na ipinahahayag ni Pablo? Ito ay nangangahulugan ng takdang halaga.  Sa ibang salita, tayong lahat ay tumanggap ng takdang halaga ng karunungang kaligtasan ni Cristo,

 

Para sa ilang mananampalataya, ang mga nangungunang panukatan ito ay sapat nang kanilang hinahangad. Nais nila ang sapat lamang mula kay Jesus upang makatakas sa paghuhusga, upang mapatawad, para maingatan ang mabuting reputasyon, para makapanatili ng isang oras sa simbahan bawat Linggo. Ang mga ganitong tao ay nasa “pagpapatuloy na paraan.” At ibinibigay lamang nila kay Jesus ang mababaw na mga kinakailangan.

 

Hangad ni Pablo ang mga sumusunod para sa bawat mananampalataya: “Ang iba’y ginawang apostol…propeta…ebanghelista…pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang iglesya. Sa gayon tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao, ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian. Manapa’y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Cristo na siyang ulo” (Efeso 4:11-15).

 

Sinasabi ni Pablo, “Ibinigay ng Diyos ang mga espirituwal na handog upang tayo ay mapuspos ng Espiritu ni Cristo. Ito ay mahalaga, sapagkat ang mga manlilinlang ay darating para nakawin ang iyong pananampalataya. Kung ikaw ay inugatan kay Cristo at tumatanda sa kanya, walang doktrinang mapanlinlang ang makapaghahari sa iyo. Gayunman, ang tanging paraan lamang para lumago sa ganitong katandaan ay sa higit na pagsusumikap na naisin si Cristo.”