Hindi nais ng Diyos ang inyong tahanan, ang inyong sasakyan, ang inyong mga muwebles sa bahay, ang inyong mga ipon, ang inyong mga ari-arian. Ang tangi niyang gusto ay ang inyong pananampalataya—ang inyong matibay na pananalig sa kanyang Salita. At iyan marahil ay isang bagay na ang iba, mga mukhang espirituwal na tao na wala sa kanila. Maaring ang tingin mo sa ibang tao ay higit na espirituwal kaysa sa iyo. Ngunit ang taong iyan ay maaring nagpupumilit na maipakita lamang ang itsura ng isang makatuwiran. Gayunman, habang nakatingin sa iyo ang Diyos, ipinahayag niya, “Mayroong makatuwirang lalaki o babae.” Bakit? Inamin mo ang iyong kahinaan na maging makatuwiran. At nanalig ka sa Panginoon na ibibigay niya sa iyo ang kanyang katuwiran.
Sinabi ni Pablo sa atin na tayo ay ibinilang na , makatuwiran sa mata ng Diyos sa katulad na kadahilanan ng kay Abraham. “Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala. Ngunit ang salitang ‘pinawalang-sala’ ay hindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa atin. Tayo’y pinawalang-sala dahil sa ating pananalig sa Diyos na muling bumuhay kay Jesus na Panginoon natin” (Roma 4:22-24).
Maari mong angkinin, “Nananalig ako dito. Nananalig ako sa Diyos na muling bumuhay kay Jesus.” Gayunman, ang tanong para sa iyo ay, nananalig ka ba na kayang muling buhayin ng Diyos ang magulo ninyong pagsasama ng iyong asawa? Nananalig ka ba na kaya niyang muling buhayin ang isang espirituwal na patay na kamag-anak? Nananalig ka ba na kaya ka niyang iahon mula sa balon ng isang nakapanghihinang kinagawian? Nananalig ka ba na kaya niyang burahin ang iyong isinumpang nakaraan at muling buhayin ang mga taon na kinain ng kangkarong-uod?
Kapag ang lahat ay mukha ng wala ng pag-asa—kapag ikaw ay nasa imposibleng kalagayan, na walang pagkukunan, at wala ng pag-asa sa harapan mo—nananalig ka ba na ang Diyos ang iyong magiging Jehova Jirah, na nakikita ang iyong pangangailangan? Nananalig ka ba na tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa iyo—at kapag isa man sa mga salitang ito ay nabigo, ang langit ay malulusaw at ang sansinukuban ay guguho?