“Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng mga nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala naming at ihahagis sa kalaliman ng dagat” (Mikas 7:18-19).
Paano mo kikilalananin ang Panginoon mula sa mga ibang diyos na sinasamba sa buong sanlibutan? Siyempre, kilala natin ang ating Diyos ng higit pa sa ibang diyos, higit na banal sa lahat ng bagay. Ngunit ang isang malinaw na paraan pagkakakilanlan ng Paginoon mula sa iba ay sa pamamagitan ng kanyang pangalan: ang Diyos na nagpapatawad. Ang Kasulatan ay nagpahayag na ang ating Panginoon ay ang Diyos na nagpapatawad, ang tanging Diyos na may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan. “Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng mga nalabi sa bayan mong hinirang?” (Mikas 7:18).
Nakita natin ang pangalang ito ng Diyos na pinatunayan sa buong Kasulatan.
- Ipinahayag ni Nehemias, “Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad, mahabagin, matatag at mapagtimpi at di mo sila itinakwil” (Nehemias 9:17). Ang tamang salin-wika ng pariralang “isang Diyos na handang magpatawad” ay “isang Diyos na nagtatakip-sala” o “isang Diyos na mapagpatawad.”
- Hiningi ni Moses sa Panginoon ang pagpapahayag ng kanyang kaluwalhatian. Hindi pinapayagan na makita ang mukha ng Diyos, ngunit ipinahayag ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian kay Moises sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang pangalan. Ano ang pangalan ng Diyos na ipinahayag kay Moises? “Akong si Yahweh ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nanatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong pinatatawad ang kanilng kasamaan, pagsalansang, at pagkakasala” (Exodo34:6-7).
- Binigyan tayo ni David ng paglalarawan sa Hebreo tungkol sa Diyos, “Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Awi8t 86:5). Isinulat ni David ang mga salitang ito mula sa kanyang sariling mahirap na karanasan.