Huwebes, Abril 22, 2010

TINAWAG BAGO PA MAGSIMULA ANG PANAHON

Sinabi ng apostol Pablo ang tungkol sa Diyos, “Na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo-Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon” (1 Timoteo 1:9).

Ang bawat tao na na “kay Kristo” ay tinawag ng Panginoon. At tayong lahat ay may pare-parehong kautusan: na making sa tinig ng Diyos, na ipahayag ang kanyang Salita, na huwag matakot sa tao at manalig sa Panginoon sa mukha ng bawat pagsubok na maaaring dumating.

Sa katunayan, ginawa ng Diyos ang pangakong ito sa propetang si Jeremias nang siya ay tinawag niya (tingnan ang Jeremias 1:1-10). Katulad ni Jeremias, hindi natin kailangang may mensaheng inihanda upang sabihin sa harap ng sanlibutan. Ipinangako niya na lalagyan niya ang ating mga labi kanyang mga Salita, sa tamang pagkakataon kapag ito’y kinailangan. Ngunit iyan ay mangyayari lamang kung tayo ay mananalig sa kanya.

Sinabi ni Pablo sa atin na marami ang hihiranging mga mangangaral, mga guro at mga apostol, at silang lahat ay magdurusa sa dahilang iyon. Ibinilang niya ang kanayang sarili kasama nila: “Ako’y ginawang apostol at guro upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa ng ganito” (2 Timoteo 1:11-12).

Ipinakikita ng Kasulatan na si Pablo ay sinubok bilang mga naging ministro. Sinubukan siyang patayin ni Satanas sa maraming pagkakataon. Ang tinatawag na mga relihiyosong nakakarami at tinanggihan siya at tinuya. May pagkakataong maging ang mga nagtaguyod sa kanya ay iniwan siya at inabuso at pinabayaan.

Ngunit si Pablo ay hindi nalito sa harap ng mga tao. Hindi siya nanlumo o napahiya sa harapan ng sanlibutan. At hindi kailanman napagod si Pablo. Sa bawat pagkakataon, mayroong siyang pinagpalang mga salita na winika mula sa Diyos, sa pagkakataong kinailangan ito.

Ang katunayan ay, hindi kayang yanigin si Pablo. Hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Panginoon. Sa halip, pinatunayan niya, “Sapagkat lubos kong nakilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatn niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya” (2Timoteo 1:12). Sinasabi niya, “Naipangako ko ng lubusan ang aking buhay sa katapatan ng Panginoon. Mamatay o mabuhay, ako ay sa kanya.” At hinimok niya ang nakababatang si Timoteo na gawin ding batayan ang mga aral na itinuro sa kanya: “Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo-Hesus” (1:13).

Martes, Abril 20, 2010

MAGLAKAD BILANG ISANG BAGONG NILALANG

Alam mo kung ano ang kuwento. Isang nakababatang lalaki ang kinuha ang bahagi ng kanyang mamanahin sa ama at nilustay ito sa isang magulong pamumuhay. Sa huli ay nalupog siya, nasira ang kalusugan at espiritu, at sa pinakamababang punto ng kanyang buhay siya’y bumalik sa ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20).

Itala na walang humadlang sa kapatawaran ng ama sa anak. Walang kailangang gawin ang batang ito---kahit hindi niya ikumpisal ang kanyang mga kasalanan---sapagkat ang ama ay naitakda na ang pakikipagkasundo. Sa katunayan, nangyari ang lahat dahilan sa sariling plano ng ama; nang siya’y matanawan ng ama na palapit patakbo siyang sinalubong at agad siyang niyakap. Ang katotohanan ay, ang kapatawaran ay hindi naging suliranin sa isang mapagmahal na ama. Kahalintulad, hindi naging suliranin ng ating Amang nasa langit kapag nakita niya ang isang nagsisising anak.

Kaya ang pagpapatawad ay hindi usapin sa parabolang ito. Sa katunayan, niliwanag ni Hesus na hindi sapat para sa alibughang anak na ito na mapatawad lamang. Hindi niyakap ng ama ang anak upang patawarin lamang at hayaang humayo siya sa kanyang kagustuhan. Hindi, ang amang yaon ay nagnais ng higit pa sa panunumbalik ng anak. Ninais niyang makasama ang anak, ang kanyang presensiya, ang kanyang pakikisama.

Kahit na napatawad na ang alibughang anak at muling tinangkilik, hindi pa rin siya mapalagay sa tahanan ng ama. Masisiyahan lamang ang ama, ang kanyang kagalakan ay magiging sapat kapag ang kanyang anak ay muling makakasama. Iyan ang usapin sa parabolang ito.

Dito ang kuwento ay naging kawili-wili. Ang anak ay hindi mapalagay sa kapatawaran ng kanyang ama. Iyan ang dahilan kaya atubili siyang pumasok sa tahanan ng ama. SInabi niya na may kakanyahan, “Kung nalalaman mo lamang kung ano ang ginawa ko, lahat ng marumi, hindi makadiyos na mga gawain. Nagkasala ako laban sa Diyos at laban sa iyong pag-ibig at pagpapala. Hindi ako karapat-dapat sa iyong pag-ibig. Nasa iyo ang lahat ng karapatan na itakwil ako.”

Itala kung paano tumugon ang ama sa anak. Hindi siya bumanggit ng anumang salitang may paninisi. Walang basehan ang ginawa ng alibughang anak, walang binanggit tungkol sa kayang pagrerebelde, sa kanyang kalokohan, sa kanyang mabisyong pamumuhay, sa kanyang pagkabangkaroteng-espirituwal. Sa katunayan, hindi binigyang-pansin ng ama ang pagsubok na tumigil sa labas, di-karapatdapat. Binale-wala niya lahat ang mga ito! Bakit?

Sa mga mata ng ama, ang dating anak ay patay na. Ang anak ay lubusang nawala sa kaisipan. Ngayon, sa mga mata ng ama, ang anak na bumalik ay bagong nilalang. Ang kanyang nakaraan ay hindi na muling pag-uusapan pa. Sinasabi ng ama, “Para sa akin ang dating ikay ay patay na. Ngayon, lumakad kang kasama ko bilang bagong nilalang. Hindi mo na kailangang mamuhay sa ilalim ng pagsisisi. Ang suliranin tungkol sa kasalanan ay naisaayos na . Ngayon, lakasan mo ang loob mo at lumapit ka sa aking presensiya at makisalo sa aking kahabagan at pagpapala.”

Sabado, Abril 17, 2010

ISANG ESPESYAL NA PAHAYAG PARA SA ISANG HALOS SUSUKO NA

Ngayon , ako ay nahikayat na magsalita sa mga nadadala ng emosyon at matalinong napayuko ng dalahin na lubhang mabigat para makayanan.

Ang mga pangako ng Diyos ay mukhang hindi gumagana para sa iyo at sa iyong pamilya. Sinubukan mong malugod ang Diyos, nanalangin ka – tunay na iniibig mo Siya – ngunit ngayon ay nasa dulo ka na ng iyong lakas at kakayanan.

Ang iyong mga pagsubok ay nadaragdagan pa habang pinanghahawakan mo ang iyong pananampalataya. Para sa iyo ay mukhang nananahimik ang Diyos.

MINAMAHAL, HINDI KA NAG-IISA. Marami sa mga tao na makaDiyos ay dumaranas ng mga pagdurusa ng katulad mo at si Satanas ay bumubulong – ang Salita ng Diyos ay walang katotohanan! Alam natin na ang nagsasalita ay ang mamumuksa. Huwag matakot sa kapangyarihan ng impiyerno.

Tingnan ang Job 19 – basahin ang buong kabanata. Sinabi ni Job “..humingi ng katarungan ngunit hindi pinakinggan… Binalot ng kadiliman ang landas kong lakaran…Sa magkabi-kabila ako’y kanyang hinahampas…Sa akin ang turing niya ay isang kaaway, isang sukab…” (19:7-11).

Sa gitna ng pag-atake ni Satanas – tumangis si Job- “Alam ko na hindi natutulog ang aking Tagapagligtas, na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas…Ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay naagnas. Siya’y aking mamamasdan, at mukhang makikita ng sariling mga mata at di ng sinumang iba…” (19:25-27)

Sinabi ng Diyos “Nakiisa sa mga diyus-diyusan ang Efraim; pabayaan mo siya” Oseas 4:17) walang pagsubok, walang paglilitis para sa tribong iyon. Ngunit ikaw ay hindi naniniwala sa mga diyus-diyusan. Ikaw pa rin ang natatangi sa kanyang mga paningin. Nakikita ng Diyos sa iyo ang isang karapat-dapat na bigyan ng pansin.

Kinakastigo ng Diyos yaong mga iniibig niya. Hindi ito nakatutuwa at ito ay nakakasakit – ngunit ito ang Ama na nagliligtas sa atin para kanyang sariling kaluwalhatian na ipahahayag nang una sa panahon.

Hindi ka niya inibig ng higit pa kaysa ngayon. Ilagay sa puso – ang Diyos ay patuloy na nangungusap sa iyo.

Huwebes, Abril 15, 2010

NAGTUNGO SA ARABIA

Kung nanaisin ko na malugod ang tao, hindi ko magagawang maging lingkod ni Kristo. Kung ang puso ko ay nagaganyak para sa kasiyahan ng iba---kung iyan ang takbo ng isipan ko, naiimpluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ko---ang katapatan ko ay mahahati. Palagi ko na lamang pagsisikapan na malugod ang iba maliban kay Hesus.

Ilang taon pagkatapos na mapagbago si Pablo, nagtungo siya sa iglesya ng Jerusalem upang sikapin na mapabilang sa mga disipulo na nandoon. “Ngunit ang mga ito’t takot sa kanya, at hindi makapaniwalang isa na siyang alagad” (Gawa 9:26).

Alam ng mga apostol ang pagkatao ni Pablo bilang mapang-api. “Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una” (Galacia 1:22-23).

Tinulungan ni Barnabas ang mga apostol na maalis ang kanilang takot kay Pablo, at inalok siya ng pagsasamahan. Ngunit nagpasiya si Pablo na gumala sa mga Hentil. Sa katunayan, Si Pablo ay maingat na ipinahayag ang tawag sa kanya ng malinaw. Mula kay Pablo na hinirang na apostol, “hindi ng tao ni sa pamamagitan ng tao, kundi ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Hesus”(1:1).

At madiin pa niyang idinagdag: “Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesus-Kristo ang nagpahayag nito sa akin…hindi ako sumangguni kaninuman” (1:11-12, 16).

Ang sinasabi ni Pablo dito ay nauukol sa lahat na nagnanais na magkaroon ng kaisipan ni Kristo: “Hindi ko kailangan na magbasa ng mga aklat o manghiram ng pamamaraan ng ibang tao upang makuha ang mayroon ako. Natanggap ko ang aking mensahe, ang aking ministeryo at ang paghirang sa akin sa aking pananalangin. Sa Galacia 1:17, ipinunto ni Pablo na, “Ako’y nagtungo sa Arabia.” Sinasabi niya, sa ibang salita: “Hindi ko nakuha ang pahayag ni Kristo mula sa mga banal ng Herusalem. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, sa desyerto, upang magpahayag si Kristo sa akin. Umubos ako ng mahalagang panahon doon, inalis ang sarili, nakikinig at tinuturuan ng Banal na Espiritu.”

Si Pablo ay hindi isang mapagmataas, palalo, nag-iisang mangangaral. Alam natin na siya ay may taglay na puso ng isang lingkod. Inalis niya sa kanyang sarili ang maghangad, at natagpuan ang ganap na kasiyahan kay Kristo.

Kapag ang isipan mo ay nakatutok upang malugod si Kristo, hindi mo na kakailanganin ang palakpak at mapasaya ang mga tao.

Martes, Abril 13, 2010

SA LIHIM NA LUGAR

Ang Banal na Espiritu ay nagtungo sa makadiyos na lalaking naninirahan sa Damascus na nagngangalang Ananias. Inutusan ng Espiritu si Ananias na magtungo sa bahay ni Hudas sa Tuwid na Kalsada, at ilagay ang mga kamay kay Saul at ibalik ang kanyang mga paningin.

Sa katunayan, alam ni Ananias ang pagkatao ni Saul at naisip niya na ito ay mapanganib. Gayunman, narito kung paano ipinagtagubilin ng Banal na Espiritu si Saul kay Ananias: “Siya’y nananalangin ngayon” (Gawa 9:11).

Sinasabi ng Panginoon na, may kakanyahan, ”Ananias, matatagpuan mo siyang nakaluhod. Alam niya na padating ka. Pati pangalan mo ay alam niya, at kung bakit ka ipinadala sa kanya. Nais niyang bumalik ang kanyang paningin.”

Kailan nalaman ni Saul ang malalim na kaalamang ito? Paano niya natanggap ang panaginip ito, ang purong salita mula sa Diyos? Ito ay nanggaling sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagtustos. Sa katunayan, naniniwala ako na ang salita ng Espiritu kay Ananias ay nagpahayag kung ano ang nakapagpaantig sa puso ng Diyos tungkol kay Saul: “Nananalangin siya.”

Si Saul ay saradong kasama ang Diyos sa loob ng tatlong-araw, tumanggi sa lahat ng pagkain at tubig. Ang nais lamang niya ay ang Panginoon. Kaya nagpatuloy siyang nakaluhod sa lahat ng panahong iyon, nananalangin at hinahanap ang Diyos.

Habang ako ay lumalaki, ang aking amang nangangaral ay nagturo sa akin ng, “Ang Diyos ay palaging gumagawa ng paraan para sa taong nananalangin.” Mayroong mga panahon sa buhay ko ng magbigay ang Panginoon ng di-matututulang patotoo nito. Ako ay tinawag na mangaral sa edad na walong-taong gulang, nang pumasok ang Banal na Espiritu sa akin. Tumangis ako at nanalangin, dumadaing, “Punuin mo ako, Panginoong Hesus.” Noong magbinata ako nanalangin ako hanggang ang Espiritu ay pumasok sa akin ng may masidhing kabanalan.

Bilang isang batang pastor isang malalim na pagkagutom ang nadama ko na naging dahilan upang masigasig akong nanalangin. May bagay sa puso ko na nagsabi sa akin, “Mayroon pang higit sa paglilingkod kay Hesus kaysa sa ginagawa ko.” Kaya’t ako ay umubos ng mga buwan na nakaluhod—-tumatangis at nananalangin ng maraming oras sa bawat pagkakataon---nang sa wakas ay tinawag ako ng Panginoon na magtungo sa lunsod ng Nuweba York upang mangaral sa mga barkadahang kabataan at sa mga lulong sa bawal na droga.

Ako ay nakaluhod din may dalawampung-taon na ang nakalilipas, hinahanap ang Diyos na may luha at tumatangis ng malakas, nang tinawag niya ako na bumalik sa Nuweba York upang magtatag ng iglesya sa Times Square.

Kung ako man ay nakarinig mula sa Diyos---kung mayroon mang akong pahayag ni Kristo, anumang sukat ng isipan ni Kristo---hindi ito nanggaling mula sa pag-aaral lamang ng Bibliya. Nanggaling ito mula sa pananalangin. Nanggaling ito mula sa paghahanap sa Diyos sa lihim na lugar.

Lunes, Abril 12, 2010

ANG DAAN PATUNGO SA TAAS

May nakilala akong mga dakilang Kristiyano na nakaranas ng mga madilim at malalim na pagsubok na halos wala nang kabuluhan pa ang mabuhay. Sa kanyang pinakamadilim na sandali. Natuklasan ni Jeremias ang isang maluwalhating katotohanan na nagdala ng bagong pag-asa at katiyakan sa kanyang isipan. Ito ay isang bagay na alam na niya na sa Diyos, ngunit hindi nasagi ang kanyang kaluluwa hanggang sa marating niya ang katapusan ng sarili niya. Natuklasan niya sa pinakamalalim. Nandoon ang Diyos! Habang lalo siyang lumalayo, ay lalong higit pa ang natutuklasan tungkol sa Diyos. Hindi dapat matuklasan ang Diyos doon sa taas sa isang kamangha-manghang maaliwalas na kalangitan, kundi sa anino ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Nang si Jeremias ay bumagsak sa kailaliman, nakabanggan niya ang Diyos! Malakas ang pagkakabagsak niya laban sa katapatan ng maawaing Diyos. Makinig sa kanyang natuklasan:

“Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat” (Mga Panaghoy 3:22-23).

Unti-unti, napag-alaman ni Jeremias na ang dakilang katotohanan ay maari lamang matuklasan ng mga tapong bagsak na.

1. “Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot” (Mga Panaghoy 3:54-57).

2. “Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap” (Mga Panaghoy 3:44,59).

3. “Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan” (Ang Panaghoy 3:32).

4. “Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa” (Ang Panaghoy 3:34).

5. “Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginooon” (Ang Panaghoy 3:35-36).

6. “Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat” (Ang Pangahoy 3:22-23)

7. “Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon” (Ang Panaghoy 3:25-26).

8. “Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit” (Ang Panaghoy 3:40-41).

9. “At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos” (Ang Panaghoy 3:18, 20-22).

Biyernes, Abril 9, 2010

KAMUHIAN ANG BUHAY NG MATAGPUAN ITO!

“Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan” (Juan 12:25).

Ang susi sa masaganang buhay ay nandito sa animoy walang halaga at nakalilitong pahayag. Ito ang kanyang hamon sa ating maliit na mundo! Ang maunawaan ang kung ano ang ibig niyang sabihin dito ay ang pintuan para sa isang buhay-nagbibigay pahayag. Sinabi ni Jesus: “Hindi maaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, nga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin” (Lucas 14:26).

Tiyak na hindi ibig sabihin ni Cristo na ang pagkamuhi ay mangangahulugan ng literal na pagkaunawa: na magsawa o mamuhi; umayaw o tumanggi. Sinabi ng Salita ng Diyos, “Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa” (Colosas 3:19).

Hindi ang buhay ang dapat kamuhian, sapagkat ang buhay ay isang handog galing sa Diyos. Hindi ang tao ang ating kinamumuhian; iyan ay hindi nakasulat sa Kasulatan.

Kailangan natin matutunan na kamuhian kung paano natin ipinamumuhay ang buhay. Kailangang kamuhian natin kung ano ang pinagkakaabalahan natin sa ating mga pamilya at kung ano ang ginawa sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Ang iyo bang buhay ay umiikot lamang sa iyong mga anak, asawa, o mga magulang? Ang lahat ba ng iyong mga kagalakan at nga suliranin ay nakapaloob lamang sa maliit na bilog na ito?

Tinatawag tayo ng diyos para lawakan natin ang ating ginagalawan. Ang buhay ay higit pa sa mga bayarin, pag-aaral ng mga bata, kagalingan ng mga magulang, relasyon sa pamilya. Si Martha ay nalulong sa buhay na walang kabuluhan ngunit nais niyang lumago! Nais ni Maria na lawakan ang kanyang ginagalawan—at pinayagan ni Jesus ang paraan ni Maria ng pagharap sa buhay.

Hindi ka lalago hanggang hindi mo kinamumuhian ang iyong pangkasalukuyang kahilawan. Hindi mo kailangan pabayaan ang iyong tungkulin at mga obligasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan, ngunit maaring ikaw ay nakatali sa iyong tungkulin kayat hungkag ang iyong paglago. Isang araw kailangang magising ka. Isang banal na pagkamuhi, isang banal na poot, ay kailangang bumangon sa iyong kaluluwa, at kailangang magsumigaw ka, “O Diyos, kinamumuhian ko kung ano ang nangyari sa akin. Kinamumuhian ko ang aking pagkamainitin ng ulo at pagkamaligalig. Kinamumuhian ko ang aking pagiging iritable kadalasan. Kinamumuhian ko ang aking pagiging sumpungin. Kinamumuhian ko kung gaano ako naging kaliit. Kinamumuhian ko ito! Kinamumuhian ko ito! “Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig” (Colosas 1:13).

Miyerkules, Abril 7, 2010

LUBOS NIYANG NAUUNAWAAN

“Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan” (Hebreo 4:15-16).

Maginhawa ang damdamin ko na malamang nauunawaan ng aking Tagapagligtas ang aking damdamin. Nauunawan niya ang lahat ng aking nararanasan. Tunay niyang nauunawaan ang bawat damdamin at hindi niya ako isinusumpa ang sa pagdaranas ko ng pag-atake ng kalaban sa akin. Sa halip, sinasabi niya sa akin na magpakatatag ako, at huwag matakot. Ipinaalam niya rin sa akin na siya man ay sanay na sa ganitong pagdurusa. At pagkatapos ay inalok niya ako ng maluwalhating pagkakataon sa kanyang trono, na may pangako ng pagkahabag at grasya sa sandali ng aking mga pangangailangan. Kung ang akin mang negatibong damdamin ay bunga ng pisikal o espirituwal na pakikipaglaban, ang ating Panginoon ay nag-aalok ng ginhawa at tulong kapag higit na kailangan.

Ano ang ibig ipakahulugan ng Panginoon dito? Hinihikayat niya ang lahat ng kanyang mga anak na tigilan na ang mag-alala kapag nasa ilalaim ng negatibong pag-iisip. Tigilan na ang pag-aakusa sa sarili ng kabiguan at pagiging makasalanan. Ang kawalan ng pag-asa at takot ay maaring bunga ng kasalanan—ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Kayat huwag basta hayaang tanggapin na lamang ito. Huwag matutulog sa gabi hanggang hindi ka nakikipag-isa sa kanya, lumapit sda kanyang trono ng buo ang loob, at angkinin ang kahabagan at tulong na kanyang ipinangako. Angkinin ang kahabagan, kapatawaran, at grasya para maiwaksi ang lahat ng negatibong damdamin. Iyan ang pormula ni Cristo, hindi akin.

Sa pag-angkin ng tagumpay, at sa paggamit ng kapangyarihan ng kanyang pangalan, at sa paglapit sa kanya ng may panananampalataya para mapanghawakan ang kapatawaran at mga pangako, sakyan ang iyong bagyo na may kapahingahan! Hayaan ang Diyos na pawiin ang mga negatibong damdamin ayon sa kanyang panahon.

“… nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako” (Hebreo 6:15).

“… pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan” (Awit 30:5).

Maari kang matulog na kasama ang panalanging ito sa iyong mga labi: “O, Panginoon, iwinawaksi ko ang mga negatibong damdamin na ito. Hindi ko ito tinatanggap. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling o kung paano, ngunit ipinauubaya ko ang mga ikto sa iyo. Bigyan mo ako ng bagong katiyakan at tanggalin mo ang lahat ng takot. Amen!”

“Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso” (Hebreo 2:18).

Lunes, Abril 5, 2010

ANG DAMDAMIN, ANG MENSAHERO NI SATANAS

Ako ay nagagalak ang damdamin ko ay walang halaga. Higit pa akong nagpapasalamat hindi nito naaapektuhan ang aking kaligtasan o ang aking relasyon sa Panginoon. Kapag dumating ang kalaban katulad ng rumaragasang baha, nagpipilit na lunurin ako sa nakapanlulumong damdamin at negatibong pag-iisip, mayroon akong ugali na sisihin ang aking sarili. Sinasabi ko sa aking puso, “Bakit bagsak na ako, o kaluluwa ko? Bakit biglaan na lang nanahimik ang espiritu ko? Bakit ako hindi mapalagay at iritable—kahit ayaw kong magkaganito? Ano ang masamang nagawa ko para maranasan ko ang negatibo, nakapanglulumong damdaming ito?

Ang negatibo, bagsak na damdamin ay hindi nanggaling sa Diyos kaya hindi ako dapat magpadala sa mga ito!

“Ibig nilang maging mga guro ng kautusan ngunit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang sinasabi” (2 Timoteo 1:7).

Maari kong pigilan ang bawat negatibong damdamin sapagkat alam ko na wala isa man sa mga ito ay galing sa Diyos. Damdamin na nagbibigay takot na ang mga ito hindi galing sa langit, ang mga ito ay mensahero na galing sa balon ng impiyerno! Ang mga ito ay dapat pigilan at itali sa pamamagitan ng panalangin at pananampalataya.

Sinasabi ng Diyos sa atin na, “Hindi ko ibinigay ang damdamin ng takot at pagdududa. Sa halip, bibigyan ko kayo ng espiritu ng pag-ibig, lakas at kapangyarihan.” Tinawag niya tayo para iwaksi ang mga hindi kailangang pag-iisip na ito, na dalhin ang mga ito sa pagkakakulong at pagsunod sa sarili nito. Hinahamon natin ang ating sarili na hindi payagan ang ganitong uri ng damdamin na madaig tayo. Hinahamon natin na hindi natin payagan na manatili at lumago itong parang ugat ng kapaitan at pagdududa. Kailangan harapin natin sila sa pangalan ni Cristo na ating Panginoon at iwaksi ang mga ito. Tayo ay inuutusan na gawin ito!

“Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo” (2 Corinto 10:5).

Ang bagsak na damdamin ay bunga makasatanas na binhi ng kawalan ng pagtitiwala. Ito ang matandang ahas na kumikilos, nagpupumilit na tanungin natin ang katapatan ng Diyos. Tanungin ang pangangalaga ng Diyos, ang tanungin ang Diyos! Ang mga kasinungalingang ito ay binhi ng negatibong damdamin at inutusan tayo ng Diyos na makipagdigma sa mga ito.

Biyernes, Abril 2, 2010

HINDI KA NALILIMUTAN NG DIYOS

Hindi ka nalilimutan ng Diyos! Alam niya kung nasaan ka, anuman ang pinagdadaanan mo sa mga sandaling ito, at binabantayan niya ang bawat hakbang mo sa iyong dinadaanan. Ngunit tayo ay parang mga anak ng Israel na nagduda sa pang-araw-araw na pag-aalaga niya sa para sa kanila, kahit na ang mga propeta ay isinugo para magdala ng mga kamangha-manghang pangako mula sa langit. Nalilimutan natin sa sandali ng ating pangangailangan na tayo ay nasa palad ng Diyos. Sa halip, katulad ng mga anak ng Israel, natatakot tayo na mapasabog natin ito at tayo ay magapi ng mga kaaway.

Maari kayang tayo ay nagpapatuloy sa ating mga pasakit—patuloy na nabubuhay sa pagkagapi at kabiguan—dahil lamang sa ating paniniwala na hindi na sinasagot ng Diyos ang mga panalangin?

Tayo ba ay maysala na katulad ng mga anak ng Israel sa pag-iisip na tayo ay pinabayaan na ng Diyos at tayo ay ibinigay na sa ating mga sariling kathang-isip para malaman ang bagay sa sarili nating pamamaraan? Tunay bang naniniwala tayo na ginusto ng Diyos ng sinabi niya siya ay kikilos sa takdang panahon, bilang sagot sa ating pananalangin ng may pananampalataya? Ipinahiwatig ni Jesus na halos lahat tayo, kahit na tinawag at pinili, ay hindi magtitiwala sa kanya kapag siya ay bumalik na. Ang ilan sa mga tao ng Diyos nawalan na ng tiwala sa kanya. Hindi siya naniniwala, sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, na ang kanilang mga panalangin may halaga pa. Kumikilos sila na para bang nag-iisa na lamang sila.

Maging tapat ngayon na! Ang iyo bang pananampalataya ay nanghihina na sa mga nagdaang araw? Isinuko mo na ba ang ilang mga bagay na taimtim mong ipinalangin? Napagod ka na ba sa paghihintay? Maaring itinaas mo na ang iyong mga kamay sa pagsuko na para bang sinasabi, “Hindi man lang ako makausad. Hindi ko alam kung ano ang mali at bakit ang mga panalangin ko ay hindi sinasagot. May katunayan na tinanggihan na ako ng Diyos.”

Hindi ako tinalikuran ng Diyos—maging ikaw man! Isang libong ulit na hindi! Sa mga sandaling ito ay nais niyang maniwala tayo na inaayos niya ang lahat para sa ating mga kabutihan. (Roma 8:28). Kaya tama na ang alamin pa ito; tigilan na ang pag-aalala; tigilan na ang pagdududa sa iyong Panginoon! Ang sagot ay padating na. Hindi isinara ng Diyos ang kanyang pandinig at aani ka sa tamang panahon kung hindi ka manlulupaypay! ” At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod (Galacia 6:9).

Huwebes, Abril 1, 2010

TAGLAYIN NINYO ANG ISIPANG ITO

“Magpakababa kayo tulad ni Kristo-Hesus” (Filipos 2:5).

Sa mabuting panghihikayat ang apostol Pablo ay nagsasabi sa mga tao ng Diyos, “Hayaang ang pag-iisip na na kay Kristo---sa sariling pag-iisip ni Hesus---“ay maging pag-iisip din ninyo. Ang kanyang takdang-isipan ay siyang dapat nating hanapin lahat.

Ano ang ibig sabihin na magkaroon ng pag-iisip ni Kristo. Sa madaling sabi, nangangahulugan ito na mag-isip at kumilos na katulad ni Hesus. Nangangahulugan ito na gumawa ng mga pasiya na katulad ni Kristo na siyang titiyak kung paano tayo mabubuhay. Nangangahulugan ito ng pagdadala ng bawat bahagi ng ating isipan na makayanan kung paano natin makakamit ang pag-iisip ni Kristo.

Sa tuwinang titingin tayo sa salamin ng Salita ng Diyos, tatanungin natin ang ating mga sarili: “Ang nakikita ko ba tungkol sa aking sarili ay sumasalamin sa kalikasan at kaisipan ni Kristo? Ako ba’y pabago-bago ng imahe, na alinsunod sa pagiging kawangis ni Hesus sa bawat karanasan na dinadala ng Diyos sa buhay ko?

Ayon kay Pablo, narito ang kaisipan ni Kristo. “Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang tao” (Filipos 2:7).

Si Hesus ay nagpasiya habang siya ay nasa langit pa. Nakipagkasundo siya sa Ama na iiwanan ang kanyang makalangit na kaluwalhatian at bumaba sa sanlibutan bilang isang tao. Siya ay bababa sa sanlibutan bilang isang mapagkumbabang alipin. At pipiliin niyang mangaral kaysa mapangaralan.

Para kay Kristo, ito ay nagangahulugan ng pagsasabi, “Pupunta ako para tuparin ang iyong kalooban, Ama.” Sa katunayan, tiniyak na niya bago pa mangyari, “Iiwanan ko ang aking sariling kalooban upang tuparin ang iyo, Ama. Susupilin ko ang aking kalooban upang mayakap ko ang iyo. Bawat sasabihin at gagawin ko ay sa iyo manggagaling. Iiwanan ko ang lahat upang lubos na umasa sa iyo.”

Bilang kapalit, ang pakikipagkasundo ng Ama sa Anak ay para ipahayag ang kalooban niya sa kanya. Sinabi ng Diyos sa kanya na may kakanyahan, “Ang aking kalooban ay hindi maitatago sa iyo. Palagi mong malalaman ang aking gagawin. Mapapasa-iyo ang aking isipan.”

Nang ipinahayag ni Pablo ng buong tapang, “Nasa akin ang isipan ni Kristo,“ Ipinahayag niya, “Ako man ay ginawa ko ang sarili ko na walang puri. Katulad ni Hesus, tinanggap ko ang aking papel bilang alipin.” Pinanindigan ni Pablo na ang katulad nito ay maaari para sa bawat mananampalataya: “Ngunit ang pag-iisip ni Kristo’y taglay natin” (1 Corinto 2:16).