Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

SI DANIEL—ISANG LALAKI NA MAY NAIIBANG KATANGIAN

Si Daniel ay “isang lalaki na may naiibang katangian” na nagsasalita na isang wasak ang pagkatao: “Dahil dito buong taimtim akong dumulog kay Yahweh. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako at nagbuhos ng abo. Ganito ang dalangin ko: Panginoong dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos” (Daniel 9:3-4). Bilang kapalit, nagawa ni Daniel na maunawaan ang panahon, sapagkat alam niya ang puso ng Diyos. “Akong si Daniel ay nagbabasa ng aklat ni Propeta Jeremias. Inisip-isip ko ang pitumpung taon ng paghihirap na daranasin ng Jerusalem ayon sa sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias” (Daniel 9:2).

Paano na nakarating si Daniel dito sa daan ng pagkawasak, karunungan at pag-unawa? Nagsimula ito sa pag-aaral niya ng Salita ng Diyos. Hinayaan ni Daniel na mahawakan siyang ganap ng Kasulatan. Madalas siyang nagpapahayag ng mga ito at mahabaan, sapagkat itinago niya ito sa kanyang puso: Tulad ng nasusulat sa Kautusan…” (Daniel 9:13).

Sa ika-sampung kabanata, ang makadiyos na propetang ito ay binigyan ng pangitain ni Kristo, “Nang tumingala ako, may nakita akong isang taong nakadamit ng kayong lino at may pamigkis na ginto. Ang katawan niya’y kumikinang na parang isang topasyo at kumikislap na parang kidlat ang mukha. Nagniningas na parang sulo ang kanyang mga mata, ang mga paa’t kamay ay nagniningning na parang tanso. Ang tinig niya ay umuugong na parang maraming tao” (10:5-6).

Hinihikayat ko kayo, na italaga ninyo ang inyong puso ngayon na hanapin ang Diyos ng may pagkamasigasig at buong tibay ng loob. At magtungo sa kanyang Salita ng may patuloy na pag-ibig at pagnanais. Manalangin ng may pag-aayuno para sa pagkawasak, tanggapin ang kanyang dalahin. At sa huli, ikumpisal at talikdan ang mga humahadlang sa Espiritu Santo mula sa pagbubukas ng mga pagpapala ng langit sa iyo. Ang daanan ng “mga lalaking may naiibang katangian” ay bukas para sa lahat. Lalakad ka ba dito?

Ang ganitong paglalakad ang nagdadala ng hipo ng Diyos. Pinatotoo ni Daniel, “Walang anu-ano, may humawak sa akin at ako’y itinindig” (Daniel 10:10). Ang salitang “paghipo” dito ay nangangahulugan na “mapusok na sunggaban.” Sinasabi ni Daniel, “nang inilagay ng Diyos ang kanyang kamay sa akin, inilagay nito ako sa mukha ko. Ang kanyang hipo ay nagbigay sa akin ng may agad na pangangailangan na hanapin siya ng lahat na nasa akin.”

Ito ay nangyayari kahit sa anong panahon na hipuin ng Diyos ang sinuman. Ang taong iyon ay luluhod at magiging lalaki o babaeng mananalangin, may udyok na hanapin ang Panginoon.

Madalas akong nag-iisip kung bakit ilang mga tao lamang ang hinihipo ng Diyos ng may agarang pangangailangan. Bakit ang ibang mga lingkod ay nagiging gutom na naghahanap sa kanya, samantalang ang ibang mga matapat na tao ay may kanya-kanyang patutunguhan? Ang mga hinipong-lingkod ng Diyos ay may malapit na pakikipag-isa sa Panginoon. Nakakatanggap sila ng pahayag mula sa langit. At nalulugod silang maglakad kasama si Kristo na katulad din ng ilan.

Bakit hinawakan ng Diyos si Daniel at hinipo siya na katulad ng paghipo niya? Bakit ang nag-iisang taong ito ay nakikita at naririnig ang mga bagay na hindi nagagawa ng iba? Ipinahayag niya, “Akong si Daniel lamang ang nakakita sa pangitain pagkat nanginginig nagsipagtago ang aking mga kasama” (Daniel 10:7).

Kinailangan ng Diyos ang isang tinig upang mangusap ng kanyang mensahe. Kailangan niya ng isang lingkod na mananalangin, isang tao na tutugon sa kanyang pagtawag. Si Daniel ang lalaking iyon. Siya ay taimtim na nananalangin ng tatlong ulit sa isang araw. At ngayon, habang naglalakad siya sa tabi ng ilog, nagpakita si Kristo sa kanya (tingnan ang Daniel 10:7-9).

Ginawa si Daniel na isang orakulo ng Diyos sapagkat:

1. Hindi tumitigil si Daniel sa pananalangin (tingnan Daniel 10:2-3).
2. Itinangis ni Daniel ang pagbagsak ng espirituwal sa lipunan (tingnan Daniel kabanata 9).Tinanggihan ni Daniel na magdala at magtago ng kasalanan (tingnan Daniel 9:4-5).
3. Tinanggihan ni Daniel na magdala at magtago ng kasalanan (tingnan Daniel 9:4-5).