Kung naglalakad ka sa Espiritu, madalas kang guguluhin ng mga maladimonyong kapangyarihan. Ngunit hindi mo kailangang matakot sa anumang maladimoyong kapangyarihan—kahit saan, sa anumang oras!
Si Pablo ay patuloy na ginugulo ng mga maladimonyong kapangyarihan. Nangangaral siya sa isla ng Pafos nang sinubukan ng mga dimonyo na makialam: “…isang salamangkerong Judio na nagpapanggap na propeta. Bar-Jesus ang kanyang pangalan…ngunit sinalansang sila ng salamangkerong si Elimas upang huwag sumampalataya ang Gobernador” (Gawa 13:6-8).
Ang pangalang Bar-Jesus ay nangangahulugan na “anak ni Hesus” o “anghel ng liwanag.” Ito ang diyablo na nanggugulo kay Pablo. Ngunit ang Espiritu Santo ay matatag ang nananahan sa apostol: “napuspos ng Espiritu Santo si Saulo, na tinatawag ding Pablo. Tinitigan niya si Elimas, at sinabi ang ganito: ‘Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng mabuti! Tigib ka ng pagdaraya at kasamaan! Bakit ba lagi mong pinipilipit ang katotohanan tungkol sa Panginoon? Ngayon parurusahan ka niya! Mabubulag ka ng matagal!’ Pagdaka’y naramdaman ni Elimas na waring tinakpan ng maitim na ulap ang kanyang mga mata, at siya’y nag-apuhap ng aakay sa kanya. Sumampalataya ang Gobernador nang makita ang nangyari, at nanggilalas siya sa mga aral tungkol sa Panginoon” (Gawa 13:9-12).
Si Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ”ay ibinagsak ang lahat ng kapangyarihan ng kadiliman!
Hindi sapat ang mapighati sa mga pagtatangka ni Satanas na guluhin ka! Sa Gawa 16 si Pablo ay nagdalamhati—nangangahulugan na “naguguluhan, namimighati.” Hinayaan niya ito sa maraming araw, ngunit ang Espiritu ng Diyos ay nakadiin kay Pablo, at sinabi sa kapangyarihan ng diyablo, “Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ni Jesu-Cristo: lumabas ka sa babaing ito!” (Gawa 16:16-18).
Mga minamahal, lubha tayong nagpaapekto sa diyablo! Darating ang panahon na tayo man ay, kailangang manindigan sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at sabihin, “Tama na—Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ni Hesus na lumayas ka!”
Kapag kinuha mo ang kapangyarihan at inutusan ang diyablo na lumayas, si Satanas ay babalik sa iyo na dala ang lahat ng kapangyarihan na mayroon siya. Pagkatapos na palayasin ang diyablo sa babaing sinukuban sa Gawa 16:16-18, nagsimula si Satanas na guluhin ang mga bagay. Pinag-apoy niya ang mga tao laban kay Pablo at Silas—at pagdaka’y sila ay nasa teribleng kaguluhan!
Ang mga mahistrado ng siyudad ay nag-utos na sila ay hagupitin at ibilanggo. At sa bawat latay sa kanilang likod, narinig ko ang diyablo na nagsasabi, “Akala mo ay nagtagumpay ka? Akala mo ay mapapalayas mo ang aking mga kampon at maghari sa akin?”
Marahil ay hindi alam ng diyablo na lalo mong hagupitin ang isang lingkod ng Diyos na naglalakad sa Espiritu, ay higit na papuri ang inihahagupit mo sa kanya! Kapag inihagis mo siya sa kaguluhan, itinali sa mga suliranin at kagipitan, ay aawit siya, sisigaw at sasamba!
Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nanalangin at umaawit ng mga imno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo” (Gawa 16:25).
Kung lalakad tayo sa Espiritu, kung ganon ay dapat na manalig sa Diyos para sa sobrenatural na kaligtasan mula sa pagkakagapos kay Satanas. Hindi mahalaga kung gumawa ng lindol ang Diyos para gawin ito. Iyan mismo ang ginawa niya para kay Pablo: “Di-kaginsa-ginsa’y lumindol ng napakalakas, anupat nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Pagdaka’y nabuksan ang mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng mga bilanggo” (26).
Dadalhin sa iyo ni Satanas ang pinakanakasisindak na tukso o pagsubok na maari mong harapin. Nais niyang bumagsak ka sa kasalanan, kondemnasyon, pagsusuri sa sarili. Mahal na mga banal, kailangan kang manindigan sa Espiritu at alisin ang iyong mga mata sa mga maaring mangyari at pagkakagapos. Huwag mong subukin na alamin ang lahat. Magsimula kang magpuri, umawit at manalig sa Diyos—at siya na ang bahala sa iyong kaligtasan!