Ang utos na maglakad sa Espiritu ay ibigay sa lahat—hindi lamang sa mga pinakabanal! Narito kung paano mo makakamit ang paglakad na ito: “Ito ang sinasabi ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay…” (Galacia 5:16).
1. Kailangan mong patunguhan ang paglalakad na ito ng lahat para sa iyo! Una, hilingin mo sa Espiritu Santo na siya’y maging patnubay mo at kaibigan.
“Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo” (Lucas 11:9).
Kung kayo’y ligtas, ang Espiritu Santo ay naibigay na sa inyo. Ngayon hilingin mo sa kanya na siya na ang bahalang mangalaga—sumuko sa kanya! Kailangan tiyakin mo sa puso mo na nais mo siyang manguna at pumatnubay sa iyo. Si Moses, na nagpapahayag tungkol sa darating na panahon, sinabi na, “Magkagayunman, masusumpungan ninyong muli si Yahweh kung siya’y buong sikap at taimtim ninyong hahanapin” (Deutoronomo 4:29).
2. Ituon na alamin at makinig sa Espiritu at alisin ang iyong mga mata sa iyong kaguluhan at tukso. Sina Pablo, Silas at Timoteo ay maaring malublob sa takot at pagkalumbay kung sila ay nagtuon sa kanilang mga kaguluhan. Sa halip, tumuon sila sa Diyos—nagpupuri at sumasamba sa kanya.
Kadalasan kapag tayo ay nanalangin, nakatuon tayo sa mga nakalipas na kabiguan. Inuulit-ulit natin ang ating pagkatalo ng madalas, sinasabi na, “Maari sanang malayo na ang narating ko kung hindi ko binigo ang Diyos at hindi ako nagpabaya sa aking nakaraang buhay.”
Kalimutan ang lahat ng iyong nakalipas! Ang lahat ng ito ay nasa ilalim na ng dugo! At kalimutan na rin ang tungkol sa kinabukasan, sapagkat ang Panginoon lamang ang nakaaalam kung ano ang darating. Sa halip, ituon ang panahon mo sa Espiritu Santo, ng buong puso at pag-iisip.
3. Magbigay ng mas maraming mahalagang panahon sa pakikipag-isa sa Espiritu Santo. Hindi siya maikipag-usap kaninuman na nagmamadali. Matiyagang maghintay. Hanapin ang Panginoon at magministeryo ng papuri sa kanya. Pangibabawan ang lahat ng tinig na bumubulong sa iyong isipan. Maniwala na ang Espiritu Santo ay higit na dakila kaysa sa mga ito, at hindi na pababayaan na ikaw ay malinlang o mabulagan.
“Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa makasanlibutan” (1 Jaun 4:4).